My Ninong's Contract Wife
KATE
"Bakit? Ano ba ang ginawa nila sa iyo?" bakas sa tinig niya ang pag-aalala sa binata.
Humugot ng malalim na paghinga si Mario. Nakita niya ang pangangalit ng ngipin nito. "Ang kapal ng mukha nila. Lalo na ng mga magulang ko. Si mama at papa, parehas pa lang nalulong sa sugal. Kaya iyong bahay namin, nakasanla na pala. Iyong sumunod sa akin, gumagamit. Iyong isa, nabuntis. Tanginang buhay iyan. Ginawa ko ang lahat. Tiis ko ang hirap at lungkot sa ibang bansa para mabigyan sila ng magandang buhay pero anong ginagawa nila? Ginagagó lang pala nila ako! Nagsayang lang ako ng pagod sa ibang bansa!"
ตอนยอดนิยม