Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Desperate Deal with Sandro Escalera

The Desperate Deal with Sandro Escalera

Habang tinatakbuhan ang nobyong nagtaksil sa kaniya, aksidenteng nakabangga si Claire ng isang bilyonaryo. Imbes na bulyawan o itaboy, inalok siya nito ng kasal. Kapalit ng pera para sa pampaopera ng kapatid, pumayag ang dalaga. Kahit malamig at walang interes sa kaniya ang asawa, ginawa pa rin ni Claire ang lahat para mapagsilbihan si Sandro. Pero ano ang mangyayari kung pati siya'y mapagod na rin sa relasyon nila? Magagawa kaya ni Claire na bitawan si Sandro at ipaubaya na lang sa babaeng nilalaman talaga ng puso nito? Naitali sila hindi dahil sa pag-ibig, pero ngayong ang isa sa kanila ay napamahal na, ano kayang mangyayari sa kanilang malamig na pagsasama—at sa batang nasa sinapupunan ni Claire?
Romance
10243 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Doctor Calyx: Touch Me Gently

Doctor Calyx: Touch Me Gently

Mataba. Nerd. Walang kaibigan. Ganito noon si Calyx Monteverde—isang binatang pinangarap lamang mahalin ng babaeng tinitibok ng puso niya, si Sahara Villareal. Maganda. Seksi. Perpekto. Ngunit sa halip na matamis na ngiti, kahihiyan ang isinukli ni Sahara sa kanyang lihim na damdamin—sa harap ng lahat. Lumipas ang mga taon. Si Calyx, ngayo’y isang kilalang, mayaman, at magaling na doktor. Si Sahara? Bagsak ang negosyo, naghihirap, at desperado. Malubha ang sakit ng ama niya—at tanging si Dr. Calyx ang makapagliligtas. Ngunit paano kung ang lalaking minsang pinahiya mo ay siya ring tanging pag-asa ng ama mo ngayon? At paano kung wala kang sapat na pera para bayaran ang kanyang serbisyo? May isang kondisyon si Calyx—ang katawan ni Sahara ang magiging kabayaran. Ngayon, sa harap ng muling pagtatagpo, ano ang nanaig sa puso ni Calyx—ang matagal na pagmamahal o matinding paghihiganti?
Romance
10236 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CCS 1: Alexander Royd Acres

CCS 1: Alexander Royd Acres

An ordinary girl accidentally met a disabled man. "It's really hard to live. I hope one day someone can save me from this really dark life of mine" he said. Dahil sa isang accident na bago ang lahat, nawalan na ito ng ganang mabuhay takot makipag salamuha sa ibang tao dahil sa kanyang kapansanan gayunpaman, nanatili parin ito natatrabaho nag papatuloy sa buhay, he never expect to have a relationship to anyone, but then cupid's cafe ang naging instrumento para mabago yung pananaw nito sa buhay lahat nag bago ng isang iglap. Ito’y pandalian lang ba? mananatili parin ba kaya ito pag katapos ng kanyang natuklasan sa mismo araw na pinaka-aayaw niya matatanggap niya kaya ito? mananaig parin ba ang pag mamahalan na patuloy nilang pinaglalabanan.
Romance
230 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Unwanted Romance

The Unwanted Romance

ol ni Samantha ang kanyang Tita Claudia. Bago ito nagsimulang maging manyakis at pasaway sa buhay. Akala mo naman mauubusan ng lalaki. At ayon sa kanyang tiyahin, ganun ang magiging peg niya pag hindi siya nag-effort na nahapin ang pana ni kupido habang bata pa siya at sariwa. Kaya nang mag alok ng business trip ang kanyang boss. Para pag aralan ang resort na pag-aari nito. Hindi siya nagdawalang isip. Sinungaban niya ito agad! Sa unang gabi palang niya sa Puerto, sa balwarte ng mga Adams ay nabulabog agad ang mahimbing na pagtulog niya. Malakas ang kabog ng dibdib na napabangon siya! Ayon kay Aldena, ang secretary ng boss niya, wala namang ibang tao sa resort maliban sa kanya! Matagal nang hindi pinansin ng mga Adams ang lugar. Kaya nagmistula itong itinakwil ng mahabang panahon. Kung ganon?. Sino ang lumikha ng ingay! Dalawa lang ang nasa isip niya. Kung hindi ito multo magnanawakaw! o di kaya’y rapest! mananakaw pa ata ang dangal niya sa lugar na ito. “Who are you?! Paasik ng lalaking nasa harap niya. Napapitla si Samantha sa lakas ng boses nito. “Ms.! Umalis kana sa resort ngayon din! Bago pa ako mawalan ng bait sayo! The man turns out to be Alfonso Son! Anak mg boss niya! Rafael Adams! Virus ata ang tingin nito sa pagkatao niya, kung ipagtabuyan siya nito para siyang may nakakahawang sakit!
Romance
10242 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bound To Him

Bound To Him

Nang dahil sa kapusukan ay walang nagawa si Zia nang ipakasal siya sa lalaking kailanma'y hindi niya magugustuhan. Labis ang pagkamuhi niya dahil sa pagsasama nilang ito. Lalo pa at ang kapatid nito ang nilalaman ng puso niya. Pero bakit noong inilatag na ng asawa ang annulment papers nila ay tumututol na ang puso niya? Nagawa na ba nitong pasukin ang kanyang puso sa ilang taon na nagsama sila sa iisang bubong? Paano kung nagsawa na ito kakahintay sa kanya at may mahal ng iba? Mababawi pa kaya niya ang lalaking minsan ng naging pag-aari niya?
Romance
10217 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Doctor 's Bargain Wife

Doctor 's Bargain Wife

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8234 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Billionaire Husband

My Billionaire Husband

She was just a girl trying to survive school. He was a man built from secrets, scars, and power. At eighteen, Aera Summer Santiago never expected to be married—especially not to Hans Calix Devraux, the billionaire with a reputation for control and cruelty. Driven by power and obsession, Calix would do anything to possess her—whether through force… or persuading. Forced into his world, trapped in his mansion. She’ll learn that love with Calix isn’t soft. It’s sharp. Brutal. Addictive. And once he’s claimed her— he’ll never let her go. .... DISCLAIMER This story is intended for audiences 18 years old and above. It is entirely fictional, created purely from imagination. Names, places, events, and characters are not based on real people or incidents. This genre contains dark romance, obsession, and possessiveness, with themes of violence and emotional tension. If you are uncomfortable with stories involving such content, this narrative may not be suitable for you. Read at your own risk.
Romance
10197 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10208 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

"Asawa niya ako, pero hindi kailanman minahal." Sa loob ng isang taon, tiniis ni Anessa ang malamig na pagtrato ni Bart Divinagracia—ang CEO na asawa niyang itinuring siyang wala. Isang kasal na itinali ng obligasyon, hindi ng pag-ibig. Isang pusong tahimik na nasasaktan, umaasang mamahalin din siya balang araw. Pero hanggang kailan siya maghihintay? Nang siya’y tuluyang iwan, doon lang napagtanto ni Bart ang halaga ng babaing dati’y hindi niya pinansin. Ngayon, handa siyang bawiin ang pusong sinayang niya—pero may babalikan pa ba kaya siya? O huli na ang lahat?
Romance
10176 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contracted Night with Billionaire

Contracted Night with Billionaire

Dahil sa kahirapan nakagawa si Andrea ng isang di malilimutang nakaraan kasama ang taong pilit na sana niyang kinalimutan, ngunit tadhana ang humanap ng paraan para ito'y kanyang muling masilayan. Sa ikalawang pagkakataon nagtagpo muli ang landas nila ng lalaking unang kumuha ng pagka birhen niya. Si Tyron Madrigal ang taga pagmana ng Madrigal Group of Companies, at nag alok sa kanya ng kontrata bilang taga pag aliw nito sa kama kapalit ng trabaho at pera para sa sakit ng lolo niya. Ngunit paano kung sa kasundoang iyon ay matalo siya? Mahal niya na ang bilyonaryong boss. WARNING: MATURED CONTENT!
Romance
192 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status