Taste of King: CHEATED, BROKEN, OWNED.
Preskong nakahiga siya roon, ginawang unan ang dalawang kamay kaya lumantad ang matitipuno niyang braso.
Siya na naman.
"Hey there, King," halakhak ng katabi ko.
King?
I know someone named King, pero parang imposible naman. He has been abroad since high school.
"Hey there, Arlott."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. King at Arlott? Dalawang Imperial?
"A-arlott Imperial?" kinakabahang tanong ko. Tinitigan ko siya nang mabuti. Mas gwapo pala siya sa personal kaysa sa mga litrato niya sa mga magazine.