Kakaibang Tikim
Chusan POV
Pagbaba ko pa lang ng sasakyan sa harap ng studio sa Manila, naramdaman ko agad na wala na talaga ako sa tahimik, maaliwalas at magandang probinsya. Nami-miss ko na agad Amontala province. Lalo na si Isla na cute. Naisip ko tuloy, naabot na kaya sa kaniya ng tatay niya ang malaking doll house na binili ko? Siguro sa mga oras na ito ay enjoy na enjoy na siya sa paglalaro nun. Hindi ko manlang siya nakita bago ako umalis, pero pangako, babalik ako doon ng walang nakakaalam. Babalikan ko ang magandang lugar na iyon at ang cute na si Isla. Ewan ko ba, ang gaang kasi ng loob ko talaga sa batang iyon.
Bab Populer