Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama (Completed)
Maagang nagsimula ang unang araw ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Bulacan State University. Makulay ang buong campus. Halos bawat gusali ay may nakasabit na banderitas, mga bandilang Pilipino, at mga dekorasyong yari sa kawayan, banig, at papel na may disenyong baybayin. Ang mga estudyante ay nakasuot ng iba't ibang kasuotang Pilipino—barong, Filipiniana, Maria Clara, at modernong Filipiniana-inspired outfits. Masigla ang paligid, ngunit may isang taong tila hindi maramdaman ang kasiyahan ng lahat.