Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ikaw Lamang

Ikaw Lamang

Nagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya pagkatapos ng kanilang kasal na may sakit siya... Breast Cancer. Stage Two. Halos gumuho ang mundo ni Marga. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang asawa oras na malaman niya ito. Kaya ng gabing dapat ay honeymoon nila, tumakas siya at nagpakalayo-layo. After thirteen years, muli siyang nagbalik bilang isang successful CEO. Walang sakit, walang cancer. At sa pagtatagpo ng landas nila ni Franco, ang tamis at sakit ng nakaraan ay muling nagbabalik. Pero paano niya ito pakikitunguhan, kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nababakas niya ang tindi ng galit nito? At paano ba niya pipigilan ang kanyang pusong huwag mahulog dito gayong may asawa na ito?
Romance
109.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
CARRYING THE COLD BILLIONAIRE'S TWINS

CARRYING THE COLD BILLIONAIRE'S TWINS

Walang ibang maaasahan si Samantha kun'di ang sarili niya. Kaya nang ipatawag siya ng bilyonaryong si Alejandro Elizalde sa opisina nito, hindi niya inaasahang isang nakakagulat na alok ang naghihintay sa kanya. Pakakasalan ni Samantha ang malamig at misteryosong anak nito na si Raim at bibigyan ang pamilya nila ng isang tagapagmana. Kapalit nito, magkakaroon siya ng marangyang buhay, malaking buwanang allowance, at isang kinabukasang malayo sa kahirapan. Ngunit may isang kundisyon. Ang kasal na ito ay hindi kailanman tungkol sa pag-ibig. Isa lamang itong kasunduan sa negosyo. Pero sa isang kasal na itinayo sa tungkulin, mga lihim, at sa pangangailangang magkaroon ng tagapagmana. Unti-unting naramdaman ng dalawang pusong hindi dapat magmahal ang damdaming matagal nang ipinagbabawal. Nang tuluyang magkaaminan ang dalawa sa tunay na nararamdaman. Saka naman may trahedyang nangyari kung saan nalimutan ni Raim si Samantha. At ang masakit pa, nalaman na lamang ni Samantha na may fiancee na ang asawa. At malapit ng silang ikasal. Sobra siyang nasaktan. Hindi alam ni Samantha ang gagawin. Ipaglalaban ba niya si Raim para mabuo sila kasama ang kanilang kambal? O lalayuan na lamang siya para hindi na masaktan?
Romance
10746 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Ang mga magulang ko, ang pinakamayaman na magkasintahan sa bansa, ay sikat na mga pilantropo. Kailangan ko hingin ang permiso nila kung kailangan ko gumastos ng higit pa sa limang dolyar. Sa araw na nadiagnose ako ng terminal cancer, humingi ako ng 100 dolyar, pero sa halip na tulungan ako, sinigawan nila ako ng tatlong oras. “Anong klaseng sakit ang makukuha mo sa edad mo? Kung hihingi ka lang ng pera, galingan mo naman sa palusot mo.” “Alam mo ba na ang 100 dolyar ay kayang suportahan ang mga bata sa naghihirap na mga lugar ng matagal na panahon? Mas may sense pa kausap ang kapatid mo kaysa sa iyo.” Kinaladkad ko ang katawan ko na may sakit pabalik sa maliit na basement. Pero noong dumaan ako sa mall, nakita ko ang mga magulang ko, live sa malaking screen, gumagastos ng malaking yaman para lang rentahan ang Disneyland para sa kapatid ko. Ang isang daang dolyar ay hindi sapat para sa isang round ng chemotherapy. Gusto ko lang bumili ng bagong damit at lisanin ang mundo ng may dignidad.
Read
Idagdag sa library
The Other Dimension

The Other Dimension

Tet Cruz
Sa kabila nang modernisasyon ng mundo ay tahimik na nabubuhay ang grupo ng mga engkantao sa Mt. Talumpit. Sila ang mga nilalang na naging bunga ng pagmamahalan ng mga engkanto at tao noong panahong bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop. Nakalimutan na sila ng mga tao at itunuring na isa na lamang kwentong-bayan. Si Seiri Santos ay anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Quezon City. Si Matuk ay itinuturing na susunod na pinuno ng mga engkantao. May forever ba kung sakaling bigyan nila ng chance ang isa't-isa? O isa lang itong kaso ng pinagtagpo ngunit di itinadhana?
Fantasy
2.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Property Series: Falling Fast (Razen Delos Reyes)

Property Series: Falling Fast (Razen Delos Reyes)

MissKeunna
Razen Delos Reyes is one of the sucessful man in the country. He has different businesses around the world. He's a beast in a business world. He is also a one woman man. Ipinangako nya sa sarili na isang babae lang ang mamahalin nya. Not until sumampal sa kanya ang katotohanang may iba na palang mahal ang babaeng inaakala nya ay makakasama na nya habang buhay. Akala nya ay hindi na ulit sya magmamahal ng iba. Pero nagbago ang lahat ng makilala at matikman nya ang isang babae. Wala sa bukabularyo nya ang pumatol sa bata pero alam nya sa sarili nya na hindi na sya makakaiwas pa. Makakaya ba nyang magtiwala at magmahal ulit?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Innocent Cheater

The Innocent Cheater

Author BadkittenC
Isang pangyayari ang nagtulak kay Zandra na mag-apply bilang sekretarya ng isang bilyonaryo at CEO ng isang sikat na kompanya sa pilipinas na si Christian Luke Trinidad. Sa kabutihang palad ay natanggap siya ngunit ang hindi niya alam ay may pinaplano pala itong hindi maganda laban sa kaniya. Simpleng bangayan na nauwi sa pag-iibigan. Ngunit isang rebelasyon ang siyang wawasak sa pagsasama nila. Isang rebelasyon na siyang pupukaw sa pagkatao nila. Isang sikretong mabubunyag. Dalawang pusong masasaktan. Pag-iibigang matatapos. Sapat ba ang salitang pag-ibig para lumaban? Handa ka bang piliin ang taong itinuturing mong kaaway? Pagmamahal laban sa pagmamahal. Ano ang pipiliin mo?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Madly Inlove (Tagalog)

Madly Inlove (Tagalog)

MDD
Kung may darating mang lalaki na mamahalin at tanggapin ang anak niya ay bakit hindi niya susubukang magmahal ulit? Ngunit pano kung ang sa pangalawa niyang mamahalin ay malayo pa sa langit na kaya niyang maabot dahil ang isa sa magiging hadlang sa kanila ay ang karangyaan nito sa buhay. Ipagpatuloy niya bang mamahalin ang lalaki at tatanggapin ang mga sasabihin ng iba kahit hindi maganda? Kaya ba siyang ipaglaban ng lalaki katulad ng ginagawa niya? This story tackles about trusting and loving. About giving chances to the person who wants to enter your life because you might not know, that person is really meant for you.
Romance
1010.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bewitched the Hot Gay Professor

Bewitched the Hot Gay Professor

Liza Mae had always liked Luther, ang baklang guro na kaniyang kapitbahay. Hindi niya ikinakahiya iyon, sa totoo nga lang ay panay lapit pa siya rito. Kahit pa may "boyfriend" na ito. Hindi iyon naging hadlang sa plano niyang akitin ito. She's planning to "bewitched" the poor gay. At tila nga ba ay kaibigan niya ang suwerte, tuwang-tuwa siya nang malamang naghiwalay na ang dalawa. Ito na ang panahong maisasagawa niya ang kaniyang plano. Pero bakit ganoon? Bakit kahit anong gawin niya ay hindi nagtatagumpay ang kaniyang pang-aakit? Bakit tila lumalayo ito sa kaniya? Magtagumpay kaya siya o tuluyan na siyang layuan ng lalaki?
Romance
10331 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hiding The CEO's Quintuplets

Hiding The CEO's Quintuplets

Nagsilang si March ng quintuplets. Mag-isa niyang pinalaki ang mga ito habang nagtatago sa kaniyang boss no'ng siya ay isang intern pa lamang. Ang ama ng quintuplet ay si Rod. Ito'y kasal na sa iba dahilan kung bakit ayaw ni March ipakilala kay Rod ang mga anak niya. Makalipas ang pitong taon, nakita ng ina ni Rod si March. May hiningi itong pabor dahilan para magkita muli si March at Rod. Sa kanilang pagkikita, matatago pa ba kaya ni March ang mga anak nila? O siya ang itatago ni Rod sa mundo kung saan tanging siya lang ang makakapiling nito?
Romance
10239.4K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (32)
Read
Idagdag sa library
MeteorComets
List of my completed stories you can read. The Lust Love Hiding The CEO's Quintuplets Binili Ako ng CEO Pag-aari Ako ng CEO Asawa Ako ng CEO Binihag Ako ng CEO His Personal Affair Love In Mistake Shade Of Lusr I Put A Leash On My Boss
Dinalynn
grabe eto yung author na lahat ng libro niya hindi nawala excitement ko kada update niya lahat ng chapter maganda talaga ramdam mo yung puso , dedication at emosyon bawal chapter more power po sana madami pa kame mga story mo mabasa ......
Basahin ang Lahat ng Review
Love Game With The Billionaire Twins

Love Game With The Billionaire Twins

[Matured Content/SPG] Si Elle Calys Saavedra, isang probinsyanang napilitang lumuwas ng Maynila upang makapagtrabaho’t makatulong sa kanyang ama na ibangon kanilang nasirang sakahan. Sa tulong ng kanyang tiyahin ay mabilis siyang nakahanap ng trabaho. Buong akala ni Elle ay magiging maayos na ang lahat gayong binigyan siya ng trabaho ng kanyang auntie Levi nang lumuwas siya sa Maynila, ngunit iba ang nangyari. Nang malamang pagiging escort sa isang high-end bar ang trabahong ibinigay sa kanya— isang trabahong pagbibigay ng aliw na alam niyang hindi niya kayang sikmurain, doon na nagsimulang magbago ang buhay niya. Taliwas man sa prinsipyong kinagisnan, kapit-patalim na lamang si Elle dahil wala siyang magawa. Aniya’y para sa pamilya. Isang gabi ay nakilala niya ang isang lalaking may malapad at perpektong mga kilay, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, may matikas na panga at aroganteng ngiti sa mga labi. Ang lalaking hindi niya akalaing pag-aalayan niya ng kanyang sarili. Marupok at tanga na nga siguro siya para magpaubaya sa lalaking hindi niya kilala. Mas lalong nagulo ang isip niya sa mga nakitang pagbabago sa lalaking ‘yon. Animo’y dalawa ang personalidad, pabago-bago ang ugali dahilan para umusbong ang galit para sa lalaki. Ngunit nang malaman niya ang katotohanan at nasagot ang mga tanong na bumagabag sa kanya ay mas lalo pa yatang gumulo ang buhay niya. Ilang beses niyang kinuwestyon ang sarili kung sino ba ang napagkalooban niya ng kanyang katawan. Sino nga ba ang lalaking ‘yon?
Romance
5.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4142434445
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status