One Night Stand with a Stranger
Diretso kong sinabi, "Si Megan 'yun."
"Alam mo, kung hindi ka pa rin maka-move on sa kanya..." huminga ako ng malalim bago nagpatuloy, "Well, Megan was just... nothing in my life. She was a stalker, and that's it. Siguro nababaliw lang siya nung araw na 'yun at nagselos nang makita ka kaya gano'n ang naging reaksyon niya. But I swear, cross my heart, wala kaming kahit anong relasyon. Even friends? Hindi rin." Pilit kong inilahad nang maayos, umaasang matanggal na rin niya sa isip niya ang babaeng 'yun.
"Ah, bale... hindi jowa, hindi kaibigan... hmm, fuck buddy?" sabay taas ng kilay at ngiti niya, na halatang naghihintay ng reaksyon.