NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)
sabi ni mommy na halatang galit talaga.
“Mommy, kumalma ka na po. Okay lang po talaga ako, nag-usap na rin kaming dalawa,” sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.
“Tandaan mo itong mga sasabihin ko sa ‘yo, Noah. Kung gusto mo na magkaroon ng masaya at tahimik na buhay matuto kang makinig sa asawa mo. Matutong makiramdam sa mga nangyayari sa paligid. ‘Yang pagiging mabait mo ang magpapahamak sa ‘yo kapag hindi ka pa tumigil sa ngayon. Hindi mo alam kung pinaglalaruan ka lang ba o hindi,” sabi ni mommy sa anak niya.