Chasing Dr. Billionaire
Sa sobrang tagal ngayon ko na lang ulit naalala.
Yung una sanang magiging girlfriend nito ay naudlot nang dahil sa akin. Nalaman naming darating ang nililigawan ni Shane sa condo nito kaya nagplano na agad ako. Nang dumating ang babae, lumabas akong naka brief lang at nagpakilalang live-in partner ni Shane. Galit na galit yung babae at agad na umalis. Dahil dun napurnada yung first girlfriend sana nito. Isang taon din, bago ako kinausap ni Shane. Nagka girlfriend lang ito kaya napatawad na ako.
“Sabihin ko kaya dyan sa girlfriend mo, live-in partner tayo dati kagaya nung ipinalabas mo sa nililigawan ko.” nakangising sabi ni Shane, may halong pagbabanta ang tingin nito.