Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Carrying the Child of My Sister and Her Husband

Carrying the Child of My Sister and Her Husband

"What would you do for the people you love?" When her sister and her sister's husband can't have a child due to her sister's health condition, the younger sister is asked to carry their baby for them. It seems like an impossible choice, pero wala siyang ibang magawa kundi sundin ito, bilang kabayaran sa ginawa ng ate niya. As the pregnancy goes on, she begins to question how much she can truly give up. Kaya niya bang dalhin ang bigat ng sakripisyong ito? Paano naman ang sarili niya? What would you feel if you will be the surrogate mother of your sister and her husband?
10852 viewsOngoingAdded to Library 30 Times as never mind her
Read
+Library
Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Ang kasal ay isang sagradong seremonyas para sa dalawang nag-iibigan… Ngunit sa loob ng apat na taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Zia na itinuring siyang kabiyak ni Louie. Kung tutuusin ay para siyang bagay na napapakinabangan lang kung kailangan ngunit hindi naman magawang pahalagahan. Isang ibong nasa hawla na hindi kayang kumawala. Lahat ng sakit at hirap ay tiniis ni Zia dahil mahal niya ang asawa. Kahit pa ibang babae ang kinahuhumalingan nito. Hanggang isang gabi, habang malakas ang buhos ng ulan ay iniwan siya ni Louie para puntahan si Bea sa ibang bansa. Mag-isa at nahihirapan habang dumadaloy pababa ang dugo mula sa pagitan ng kanyang hita. Ginapang niya ang sakit makahingi lang ng tulong para sa batang kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang tatlong taon, sa muli niyang pagbabalik ay malaki ang ipinagbago ni Zia… Ngunit hindi si Louie. “Hiwalay na tayo, Mr. Rodriguez!” Napangisi ito. “Mrs. Zia Cruz… Rodriguez, hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers. Sa madaling salita… asawa pa rin kita at hinding-hindi ka na makakawala pa sa’kin.”
9.2355.9K viewsCompletedAdded to Library 7.5K Times as never mind her
Show Reviews (29)
Read
+Library
Analyn Bermudez
Ms A Hindi PABA mag end ito...naghiwalay nmn na Sila tpos nagbalikan tapos ngayun magulo ulit??? nakakalito Po Ang nangyayari kung ano ba tlga Ang gusto ni loui Kay Zia..Hindi na matatawag na oagmamahal ung ginagawa niya...pra sa akin mas maganda naghiwalay na Sila at mag end nlng sana
Jerrlan24
Ang asim sa sikmura ng kwento ni loue at zia pero mas naka2bwisit yung lalaki makasarili ayaw palayain ang asawa dahil ayaw mapunta sa iba pero hindi tinatrato ng maayos si zia nman di niya na dw mahal pero pumayag ulit siya makasal dahil need niya pera ni loue. maganda ang story mabubwisit ka lang
Read All Reviews
Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire

Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire

Sa loob ng ilang taon bilang magkasintahan, nahuli ni Emily na niloloko siya ng kaniyang nobyo dahilan para makipaghiwalay siya rito at bumalik sa dati niyang buhay na tinalikuran para sa lalaki. Kasabay nito ay ang pagpayag na magpakasal sa lalaking itinakda sa kaniya ng kaniyang lolo. Akala niya ay hindi niya ito mamahalin, ngunit unti-unti'y natagpuan niya ang sarili niyang nahuhulog na rito. May patunguhan kaya ang nararamdaman niya?
209 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as never mind her
Read
+Library
Pregnant and Gone, the Billionaire Begged for Her Back

Pregnant and Gone, the Billionaire Begged for Her Back

Nang araw na natuklasan ni Vanessa na buntis siya ulit ay siya ding araw na natuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang asawang si Daniel. Wala siyang kamalay-malay na habang nangungulila siya sa pagkamatay ng kambal nila sa loob ng limang taon ay bumuo na pala ng sariling pamilya si Daniel. Nakita mismo ng kanyang mga mata kung gaano kabuo ang pamilya nito kasama si Lorraine, ang babaeng pinagkatiwalaan niya at anak ng mga ito na si Liam. Kasabay ng tagpong iyon ay ang tuluyang pagkawala ng matinding pag-ibig na nararamdaman ni Vanessa para sa asawa at ang natira na lamang ay galit at pagkapoot. Itinago ni Vanessa ang tungkol sa kanyang pagdadalang tao at nakipaghiwalay kay Daniel. Sa unang pagkakataon, nabasag ang boses ni Daniel. “Nessa… Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.”
1014.6K viewsOngoingAdded to Library 527 Times as never mind her
Read
+Library
Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle

Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle

“I wanted revenge… but I ended up craving the man I should never touch.” He’s my ex’s uncle — powerful, dangerous, and completely off-limits. But tell me, how do you stop falling for the man who makes you forget why you wanted revenge in the first place?" Nahuli ni Lia Vergara ang boyfriend niyang si Marco na may kahalikan — at hindi lang basta babae, kundi ang bestfriend niya pa. Sa isang iglap, nabasag ang puso niya at tuluyang nagdilim ang mundo. Pero imbes na umiyak o magmakaawa, pinili niyang gumanti. Ang plano niya? Simple. Iparamdam kay Marco ang sakit ng maloko. Pero hindi niya akalain na ang magiging kasangkapan ng kanyang paghihiganti ay ang lalaking pinaka-imposibleng mahalin — ang tiyuhin nito, si Alessandro Ruiz.
10530 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as never mind her
Read
+Library
Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
9.7988 viewsOngoingAdded to Library 36 Times as never mind her
Read
+Library
Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret

Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret

Sa loob ng tatlong taon, buong pusong minahal ni Kaelin Daisy Castellon Kensington ang kanyang asawang si Harrison Vincent Kensington. Tinanggap niya ang malamig nitong pagtrato, at ang katotohanang hindi nito kayang suklian ang kanyang pagmamahal. Habang patuloy siyang nagsasakripisyo para sa kanilang pagsasama, unti-unti namang napapagod ang kanyang puso. Para kay Harrison, si Kaelin ay isa lamang asawa sa papel, isang babaeng laging naroon at hindi aalis kailanman. Ngunit nagkamali siya. Isang araw ay bigla na lang itong umalis ng walang paalam. Saka lamang napagtanto ni Harrison ang halaga ng babaeng matagal niyang binalewala. Ang tahanang dati'y puno ng pag-aaruga ay naging tahimik. Ang babaeng akala niyang habambuhay na maghihintay ay marunong din palang sumuko. Habang unti-unting bumabangon si Kaelin at binubuo ang buhay na wala si Harrison, nagsisimula namang gumuho ang mundo ng lalaking minsang ipinagkait sa kanya ang pagmamahal. Handang gawin ni Harrison ang lahat upang maibalik ang kanyang asawa. Ngunit ang Kaelin na kanyang muling makikilala ay hindi na ang dating babaeng handang magsakripisyo para sa kanya. Sa pagkakataong ito, si Harrison naman ang hahabol. Siya naman ang magmamakaawa. At siya rin ang susubok na palambutin muli ang pusong siya mismo ang nagpatigas. Ngunit sapat ba ang pagsisisi upang maibalik ang isang pag-ibig na matagal nang napagod? O huli na ang lahat para sa lalaking ngayon lang natutong magmahal? Kapag ang sobrang umibig ay paulit-ulit na nasaktan at napagod, maaari pa ba itong magbigay ng pangalawang pagkakataon? O may mga pusong kapag tuluyang bumitaw, ay hindi na kailanman muling babalik?
20 viewsOngoing
Read
+Library
The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban

The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban

Sa gitna ng kanyang pagbubuntis, ang mundo ni Maliya Alonto-Argente ay gumuho. Sa mismong araw ng kanyang prenatal checkup, nahuli niya ang kanyang asawang si Luke Argente na may kasamang iba—isang bata at magandang mistress. Pagod, mabigat ang katawan, at luhaan—hinarap niya ang pangungutya ng kabit nang tinawag siya nitong “ante“ at ang malamig na pagtanggi ng asawa. Ang walong taon ng wagas na pag-ibig at sakripisyo ay itinapon na parang basura. Pumayag siya sa alok ng pakikipaghiwalay, pagkatapos manganak. Limang taon ang lumipas. Nagbalik ang isang babaeng hindi na makikilala ng sino man. Si Maliya Alonto ay isa nang makapangyarihang bilyonarya, tinitingala sa ganda, at pilit na inaabot ng pinaka-impluwensyal na mga lalaki. Ngunit sa kanyang pagbabalik, may isang aninong ayaw siyang pakawalan. Si Luke Argente, ang lalaking dati ay diring-diri sa kanya, ay naging isang obsesibong stalker. Gagawin niya ang lahat para mabawi ang babaeng dati niyang minaliit. Sa huling pagkakataon, nang malaman niyang magpapakasal na si Maliya sa iba, galit siyang sumugod at isinandal ang babae sa pader. “Maliya, I won’t allow you to belong to anyone else. You’re mine alone. Mine.”
1010.4K viewsOngoingAdded to Library 414 Times as never mind her
Read
+Library
The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle

The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle

Akala ni Evan ay tama ang desisyon niyang pakasalan ang lalaking pinapangarap niya---hanggang sa ang desisyong iyon ay nauwi sa isang bangungot. Naipit siya sa isang loveless marriage, muntik makunan ng dinadalang sanggol, at sa huli’y nakulong pa ng limang taon. Hindi naman siya masamang tao, ngunit hindi niya alam kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay niya. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, dahil ang dinadala pala niya ay hindi kay Kenneth. Isang pagkakamaling hindi sperm cell ng asawa ang naiturok sa kaniya sa ospital. Dahil sa takot, inilayo niya ang anak kay Kenneth at iniwan ang pangangalaga nito sa isang kaibigan. Paglaya ni Evan, nalaman niyang ang malamig at tahimik na tiyuhing si Kevin ay nagkaroon ng anak habang siya’y nasa kulungan. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makaramdam ng kakaibang koneksyon sa bata. Mas lalo siyang naguluhan nang hindi na niya mahanap ang kaibigang pinag-iwanan sa sariling anak. "Ella, kapag nahanap mo ang file ng doktor na iyon para sa akin, I will divorce Kenneth immediately. Ang kailangan ko lang ay mahanap ang taong inaasam ko buong buhay ko sa kulungan, hindi ako narito para makipag-agawan sa'yo sa asawa ko."
107.4K viewsOngoingAdded to Library 228 Times as never mind her
Read
+Library
The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

Sa loob ng limang taon, buong pusong ipinaglaban ni Caelith Skyhart ang pagmamahal niya kay Lucienn Ashford. Siya ang lalaking itinayo niya mula sa pagkakadapa, minahal sa kabila ng lahat, at pinakasalan sa harap ng buong lungsod. Ngunit isang umagang tahimik, isang mensahe ang gumising sa katotohanang hindi niya kailanman inasahan—buntis ang kapatid niyang si Celene, at ang ama ay si Lucienn. Sa gitna ng pagkawasak, pagtataksil at sakit, kailangan ni Caelith na tumindig. Hindi para ipaglaban ang pagmamahal kundi para bawiin ang sarili at ang lahat ng itinayo nilang dalawa. Ito ay kwento ng isang babaeng minsang naging liwanag sa dilim ngunit ngayo’y naging apoy na handang lamunin ang lahat ng sumira sa kanya. Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong pinili mo ay pinili ang iba?
10787 viewsOngoingAdded to Library 30 Times as never mind her
Read
+Library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status