The CEO's Unwanted Bride
Kung sa bagay, marami itong pera, madali lamang manipulahin at pabilisin ang proseso para sa mga katulad niya, lalo na’t panigurado akong may koneksyon ito sa taas.
Siguro nga’y dapat ko na lamang itong pirmahan at magpakalayo-layo na lang, pero saan naman ako pupulutin pagnagkataon? Hindi sapat ang pera ko sa bangkong naitago, kung hihingi naman ako sa kanya ng pera ay hindi kakayanin ng pride ko ‘yon. Hangga’t maaari ay ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kaniya o kung kanino man. Bahala na bukas,sa pagkakataong ito ay gusto ko na lamang magpahinga kaya’t nang tumigil ang sasakyan ay alam kong nasa tapat na kami ng mansyon. Walang imik kaming bumaba sa sasakyan at dumiretso sa kaniya-k
Bab Populer