THE GOVERNOR
"Girl, maganda ka. Hindi lang s'ya 'yung lalaki. Broken ka ngayon? Edi sabayan mo, easy. Go with the flow lang. Kasi kapag dinamdam mo wala mangyayari sa buhay mo. Kapag toxic na 'yung relasyon wag na ipilit.”
Inabutan n'ya ako nang isang baso na puno nang alak. "Hindi ako umiinom pasensya na po,” tanggi ko.
"Ngayon i-inom kana!” Hinila n'ya ako palapit sa counter at umorder nang maraming shot. "Kapag nalasing ka kahit paano makakatulog ka nang mahimbing ngayong gabi, trust me. At makakatulong ang pag iyak para gumaan pakiramdam mo. Nalagay narin ako sa sitwasyon mo kaya alam ko ang feeling.”
Hot Chapters