Contract of Hearts
Minsan, sapat na ‘yung mga bagay na hindi sinasabi—pero ramdam na ramdam.
Kinagabihan, habang nagliligpit kami ng pinagkainan, naroon pa rin ‘yung bigat sa dibdib ko. Hindi dahil may nangyari, kundi dahil sa dami ng hindi namin masabi. Napuno ang hapag-kainan ng kwentuhan, tawanan, at kurot sa tiyan kakatawa sa jokes ni Tito Rudy, pero kahit gano’n, ramdam ko pa rin si Killian. Nandoon lang siya, nakaupo sa kabilang dulo ng lamesa, tahimik lang habang pinagmamasdan ako. At sa bawat tingin niya, parang may gustong sabihin ang mga mata niya—pero hindi pa rin niya masabi.
Bab Populer