THE HEIR THAT NEVER EXISTED
Hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit sa mga taong nakakagala, nakakapag-aral, at nakakapamuhay nang normal.
Labing-walong taon na akong nabubuhay. Labing-walong taon akong nakakulong dito. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang mga mukha ng aking ama, ni Ginoong Arthur, at ng mga tauhan na naglilingkod dito. Wala akong kaibigan. Wala akong kalaro. Wala akong kasama na ka-edad ko. Ang aking buhay ay umiikot lamang sa loob ng bakuran na ito.
“Ang Gintong Hawla,” bulong ko sa aking sarili. “Tama nga sila. Kahit gaano pa kaganda ang kulungan, kulungan pa rin ito.”
Hot Chapters