Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE
"Sa lahat ng mga pagkakataong kasama mo ako hindi mo ba naramdaman na totoo ang pinapakita ko sa 'yo? Tahimik ang buhay ko eh. Kontento na akong kung ano ang meron ako, kung ano ang meron kami ng mga bata. Ayos na ako doon, mahirap pero wala akong inaalalang ibang tao. Nahihirapan man sa araw-araw na pakikibaka sa palengke pero ayos lang. At least doon, tahimik ang buhay ko. Walang nang-aalipusta sa akin, walang nangmamaliit, walang nang-iinsulto."
"Buong buhay ko wala namang akong inagrabyadong tao. Hindi ako palakaibigan pero hindi rin ako palaaway. Wala naman akong ibang gusto kundi ang mabuhay lang ng tahimik. Pwede ding mamatay ng tahimik."