Married to His Father, Claimed by the Son
Nakatatak ang petsa sa gilid ng video—ilang linggo na ang nakakalipas.
Sa video, may isang babaeng pumasok sa bangko. Nakasuot ito ng simpleng t-shirt at maong, nakatali ang buhok, at may suot na face mask. Pero kahit nakatalikod, kilalang-kilala ni Xerxes ang kurba ng balikat nito, ang tindig nito, at ang paraan ng paglakad nito.
Lumapit ang babae sa teller. Ibinigay ang isang kapirasong papel—ang 50 Million check ni Miranda. Nang maghubad ito ng maskara para sa verification ng bank manager... tumambad ang mukha ni Amara.