When Heart Beats
Umiling lang.
"Paalala lang, Aya. Alam mo naman kung saan tanyag ang lugar na ito. El Canto, kinuha sa salitang engkanto. Kapag lagi kang ganyan, baka ka maengkanto!"
"Cambelle naman. Alam mo namang takot ako sa ganyan. Sa kubo ka matutulog mamaya!" singhal ko.
Hindi ako takot sa mga taong asal-hayop, ngunit pagdating sa mga engkanto at iba pang elemento, bahag ang buntot ko.