Dawn At Night
Kung lahat nga naman nakukuha nila nang walang hirap, anong bagay pa ba ang hahanapin nila?
Hindi ko alam ang pakiramdam n’on dahil tinuruan ako ng magulang ko na makontento sa lahat ng bagay na nakukuha ko. Dahil kapag nakontento ka raw, doon ka tuluyang magiging masaya. Pero aaminin kong marami akong ambisyon sa buhay. Marami akong gustong makuha para sa sarili ko at para sa pamilya ko. At gagawin ko ang lahat para makuha ang mga iyon.
“Dawn, pumunta ka na muna sa supplier ng harina at i-confirm mo ang order natin para bukas,” utos ni Aling Mona sa akin nang mailapag ko ang bag ko.
인기 회차