MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]
Tumingin ako sa asawa ko na nakasandal sa upuan nito habang naka-krus ang braso sa matipunong dibdib, napansin ko ang amusement sa mata nito habang nakatingin sa akin.
“M-madam,” natatarantang awat ni manang sa iba pang sasabihin ko. Pero hindi ako nakinig dito. Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Tita Juliana at matapang na nagsalita.
“Hindi po ako plastik, Tita. Mas pipiliin ko pa ang sabihin ang totoo kahit masakit kaysa magkunwari at magsinungaling para lang magpalakas sa inyo. Pasensya na pero hindi ako gano’n.” Kinakabahan ako dahil sa mapangahas na sagot ko. Pero totoo ‘yon, ayokong magsinungaling dito. Ang sabi nga ng lola ko noon, di bale na daw na masaktan ka sa katotohanan, wag
ตอนยอดนิยม