Hiram na Asawa
Hindi niya napigilan at nakurot ito sa pisngi.
"You're perfectly fine. You don't need to fit in, Baby," paos niyang papuri dito.
Umirap ito, "Para sa'yo, oo. Pero gusto ko pa rin matuto."
Umangat ang gilid ng labi niya, "If you want to, then fine."
Ngumisi na ito, "So who's Buknoy?"
Natigilan pa rin siya sa accent nito kahit na sinabi na nitong nag-aaral ito ng English. Bumuntong hininga siya at nilubog ang mukha sa leeg nito.