Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Accidentally Married to a Billionaire

Accidentally Married to a Billionaire

Para kay Tyra Reign Agustin, ang kasal ay isang mahalaga at sagradong seremonya na dapat pahalagahan ninuman. Samantala, iba naman ang pananaw ni Damien Alistair Prescott sa bagay na ito. Para sa kaniya, ang kasal ay walang importansiya at hindi dapat gaanong bigyan ng pansin. Nang makipaghiwalay si Tyra sa kaniyang dating nobyo na si Ethan Alexander Carter ay nakilala niya si Damien Alistair Prescott — isang hot bachelor CEO ng Prescott Nexus, na kilala bilang isa sa nangungunang maipluwensiya at makapangyarihang kumpaniya sa bansa. Ang kanilang unang pagkikita ay hindi pangkaraniwan. Suot ang pang-guwardiyang uniporme ay tumakas si Damien sa inihandang kasal ng kaniyang ina para sa kaniya, at sa kaniyang pagtakas ay nakasalubong niya ang umiiyak at lasing na si Tyra Reign. Dahil sa kagustuhang makatakas sa pangingialam ng kaniyang ina sa kaniyang buhay pag-aasawa ay walang pasubaling inalok ni Damien ng kasal si Tyra. Dala ng kalasingan at maling akala ay pumayag si Tyra na pumirma sa isang marriage contract. Sa kabilang banda ay naisip ni Damien na baka si Tyra na ang kaniyang hinahanap, dahil sa agaran nitong pagpayag sa kaniyang alok na pagpapakasal ay nagustuhan niya ito sa hindi malalim na paraan. Nakasuot lamang siya noon ng pang-guwardiyang uniporme ngunit nagawa pa ring sumang-ayon ni Tyra, para sa kaniya, ang babae ay ibang-iba sa nire-reto ng ina. Sa paglipas ng panahon ay nagkamabutihan sila, naging opisyal ang kanilang relasyon kahit pa hadlang dito ang pamilya ni Damien — lalo ang sariling ina nito. Ngunit dahil sa kaniyang pagmamahal kay Tyra ay nagawa niyang sumuway at labagin ang kagustuhan ng pamilya. Subalit ang kaniyang pagmamahal ang magbibigay rason kay Tyra upang iwan siya nito, bitbit ang isang sanggol na susunod na magmamana ng lahat ng mga kayamanan ng mga Prescott.
Romance
10578 viewsOngoing
Read
Add to library
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
You caught me, Mister

You caught me, Mister

janeebee
" YOLO " is her life motto. Sa edad na bente tres anyos, walang ginawa si Devon Valencia kundi ang magpakasaya sa buhay at waldasin ang perang ibinibigay sa kaniya ng ama. Wala siyang pangarap sa buhay—o kung mayroon man, hindi niya iyon alam at wala rin siyang balak alamin dahil alam niyang siya rin naman ang hahawak sa negosyo ng pamilya nila pagdating ng araw. Young, wild and free. Literal ang pagiging malaya ng isang Devon Valencia para gawin ang lahat ng gusto niya. Sa isang pitik lang ng daliri niya, nasa kamay na niya ang hinahangad niyang makuha, maliban na lamang ang atensyon ng isang binatang kabaliktaran ng ugaling mayroon siya. Isang maginoo,responsable at matipunong lalaki, Pablo Santino Regalado. Isang magsasaka na ang tanging hangad ay maiahon sa hirap ang kaniyang magulang. Sa edad na bente sais, naka-plano na ang gusto niyang mangyari sa buhay dahil maaga siyang namulat kung gaano kalupit ang realidad. Nakahanda siyang gawin ang lahat maibigay lang ang buhay na ipinangako niya sa pamilya. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng pagtatalo ang isip niya nang alukin siya ng isang trabaho na may magandang suweldo at wala siyang ibang gagawin kundi ang bumuntot sa magiging amo niya. Kung tutuusin, walang nakikitang problema ang binata sa pagiging isang bodyguard dahil batak naman ang kaniyang katawan at nakasisiguro siyang kaya niyang gampanan nang maayos ang trabahong ibinibigay sa kaniya. Subalit 'yong ideya na isang matapobre ang dalagang babantayan niya, tila mas gugustuhin pa niyang makasama ang mga kalabaw na ilalim ng araw. Kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo ng palaman. Kapag nahulog ka sa taong hindi nagpapakita ng interes sa'yo, siguraduhing may bitbit kang hagdan.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status