AT FIRST GLANCE
Isang araw na nasa hapag sila, kay Voltaire natutuon ang usapan ng buong mag-anak.
"Promise, Tay. Walang masasayang kahit isang sentimo. Ang gagaling kaya namin. Saka, sa talent ba naman ni Luke siguradong may makukuha kaming clients. Isa pa, ‘pag pogi ang photographer maraming babaeng nagkakandarapa. Kaya nga isa sa mga naisip kong target ay mga female graduating students na bibigyan namin ng promo. Sa pinakaunang araw na magbukas kami, libreng photo shoot ang io-offer namin." Mahaba ang lintanya ni Voltaire, halata ang excitement.
Kahit papano, nakakatuwa ang spoiled niyang pinsan. Magaling naman talaga ito, kulang lang sa drive, well-provided kasi ng mga magulang.
Sikat na Kabanata