One Night Stand with a Stranger
Alex Miranda, isang espesyalista sa sakit sa puso, at may kasama siyang nurse na hawak ang medical records ni Mama.
Hindi ko mapigilang maiyak nang makita ko si Dr. Alex. Tiwala akong matutulungan niya si Mama.
“Doc, please… pagalingin niyo po si Mama ko.” Humagulhol na ako sa sobrang takot.
Ngumiti naman siya, halatang nagpapakalma. “Oo naman, Nurse Monica. Huwag kang mag-alala, akong bahala.”