Lahid
"Muli, inuulit ko, Ginoong Guevarra, totoo bang isa rin sa mga kawani ng inyong kapatirang La Indio Independencia ang tanyag na taksil na si Damian Vicente?"
Sa pangalawang pagkakataong iyon ay pinangalanan na ng fiscal ang taong itinutukoy niya. Ito ay si Damian Vicente, ang tanyag na rebelde na nanguna sa himagsikan noon sa Nueva Seguida. Sa pagkaulit ng tanong na iyon ay sumagot na dito si Don Condrado. At isang malaking sagot ang kanyang binitawan na nagpaliyab na sa buong Sala de Justiscia dela Militar.
ตอนยอดนิยม