Twisted affection
Bigla na namang nagduda ang konsensiya ko.
Habang tumatagal, mas gusto ko na lang sabihin sa kanya ang totoo. Gusto kong ilabas ang lahat ng tinatago ko. Pero dahil sa takot at kawalan ng lakas ng loob, hindi ko masabi-sabi. Ang hirap kasi, pabago-bago ako ng desisyon. Isang minuto, handa na akong sabihin ang lahat, pero sa susunod na minuto, bigla akong nag-aatubili.