Diary Ng XXX Celebrity
natatawa niyang sabi.
PAGDATING namin sa Basco Lighthouse, halos wala pang tao. Umaga pa kasi. May dala kaming blanket, mga sandwich, at mga prutas. Nasa tuktok kami ng burol, at mula roon tanaw ang buong karagatan. Napakaganda, hindi ko na natigilang kumuha ng litrato.
“Tama na ‘yan, lalamig ang mga pagkain,” saway sa akin ni Ravi. Napansin niya ata, simula nung dumating kami, hindi na ako natigil sa pagkuha ng video at picture sa magandang paligid.