The Queen Warrior
bulong niya.
Samantala sa selda sa loob ng kastilyo, nakaupo sa sahig si Lola Claro habang pinupunasan ng basang panyo si Brian. Matagal na siyang hindi pumupunta sa kastilyo, pero narito na naman siya—hindi bilang Gentry kundi bilang bihag. Buong akala niya’y katapusan na niya nang araw na iyon sa Atar. Tinanggap na niya sa sarili na hanggang doon na lamang siya dahil namanhid na ang buong katawan niya. Wala na rin siyang malay, at hindi niya alam ang nangyari, pero isang himala na nakaligtas siya. Nagising siya sa pagamutan sa loob ng kastilyo kasama si Brian na may malalim na sugat sa katawan. Ayon sa manggagamot, mas malaking himala na nabuhay pa ang bata. Sandali nang tumigil ang tibok
ตอนยอดนิยม