Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!

Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!

P.P. Jing
“Ipapalaglag mo ang anak natin?!” galit na sigaw ni Carcel sa'kin. “Pinirmahan ko na ang divorce paper 'di ba?! Kaya huwag kang mangialam sa gagawin ko, Carcel!" “Huwag mong idamay ang bata, Jett! Ipanganak mo lang iyan, at kami na ni Gia ang magpapalaki sa kanya!" "Ginag*go mo ba talaga ako, ha?!" tumutulo ang mga luha ko sa sakit. "Gusto mo ba talaga akong durugin nang buong-buo, Carcel? Hindi ba sapat na niloloko mo ako para sa kapatid ko na 'yon at sa anak niya, tapos ngayon gusto mo pang ipanganak ko ang anak natin para kayo na mag-alaga?!" "J-Jett, minahal kita. Pero si Gia na ang mas matimbang sa akin ngayon kaya---" "Kaya nga ipapa-abort ko na lang ang nasa sinapupunan ko! Para tuluyan nang maputol ang koneksyon ko sa'yo!" umiiyak kong sigaw at tumalikod. "No, Jett! Hindi ako papayag na may gawin kang masama sa bata!!" Nagmamadali akong tumakbo sa kalsada para tumawid sa takot na mahabol niya pa ako. "NOOO!! JEEETTT!!!" Subalit nanigas ako sa kinatatayuan nang may isang malaking truck ang malakas na bumusina. Nabulag ako ng ilaw niyon ngunit alam kong nasa harapan ko na ito. Sa pagkabigla ay pawang hinihintay ko na lamang na bumangga sa katawan ko ang truck. "JETT!!" mabilis akong tumilapon sa malamig na semento dahil sa kamay na tumulak sa akin, hindi ako ang nabangga ng truck.  Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita si Carcel na gumulong-gulong sa kalsada kasabay nang pagkalat ng kanyang dugo. "CARCEL!!!" Na-comatose si Carcel sa loob ng limang taon, at nagising siyang may-amnesia. Nakalimutan niya si Gia, at ang pagmamahal sa akin lamang ang naaalala. Ngayon ay umaakto siyang parang hindi siya nagloko at halos magmakaawa sa akin na mahalin ko siyang muli kasama ng four-year-old naming anak na babae.
Romance
8.53.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Yllena's Love Child

Yllena's Love Child

“Yllena, come here!” masayang bungad ng kaniyang asawa ng makapasok siya sa opisina nito. Nakita niya ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi ni Grae, ang kaniyang asawa. Lumapit siya dala ang isang sobre na naglalaman ng resulta ng kaniyang utrasound nitong umaga. Tamang-tama ito dahil ngayong araw ay unang anibersaryo ng kanilang kasal. Habang siya ay papalapit ay papalakas ng papalakas ang pintig ng kaniyang puso. Magkahalong excitement at kaba dahil alam niyang matutuwa ang asawa. Ilalabas na sana niya ang laman ng sobre ng bigla itong magsalita. “Evie’s back.” Biglang nanuyo ang kaniyang labi at natuod siya sa kinatatayuan. Ibinalik niya ang papel sa sobre. “I want a divorce, Yllena. Siya ang mahal ko,” dugtong nito. Ni hindi manlang inisip ni Grae ang mararamdaman ni Yllena samantalang simula pa lang ay alam na niyang mahal siya ng babae. “Oh sige,“ tipid niyang sagot. Mabilis pa sa ala-kuwatrong inilahad ni Grae ang Divorce Agreement papers para pirmahan ni Yllena. “Here, naayos ko na agad. Pirma mo nalang ang kulang!” masaya nitong sabi. Pinunasan ni Yllena ang luha at nanginginig na pumirma. Parang dose-dosenang punyal ang tumarak sa puso niya. Parang kating-kati ito na makasama ang babaeng 'yon? Bumalik si Yllena sa pamilya ngunit ng gabi ding ‘yon ay itinakwil siya. Dahil sa bigat at sakit ng kaniyang kalooban ay huminto siya sa tulay. Bumuhos ang napakalakas ng ulan. Nais na niyang wakasan ang lahat ng biglang may humawak sa kaniyang kamay at sapilitan siyang inilayo sa kamatayan. Hinila siya nito papasok sa kotse. Nuon lang niya namukhaan ang lalaki. “Lucerys? Lucerys Montblanc,” sambit niya. “Yes, I am. Death is not the answer, woman, but rather revenge,” kunot-noo nitong sabi. “Make him pay! Join me, Yllena!”dugtong nito.
Romance
10711 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Ang misyon lang ni Solenn nung una ay ang akitin ang batang bilyonaryo kaya ito nagtrabaho bilang isang sekretarya sa Walton Corporation. "Anong ibig sabihin nito?" Galit na galit at kunot noo na pagtatanong ng chairman sa harap nila Solenn at Marcus habang dumausdos sa lamesa ang mga stolen shot na mga litrato nilang dalawa na magkasama. "May relasyon kayo? Halos mapatid ang litid ng matanda sa loob ng meeting room na yon. "Mauubusan tayo ng investors sa ginagawa mong kahihiyan?" Hasik pa ng chairman matapos nitong pukpukin ang lamesa na nasa harapan. Nakaramdam ng awa si Solenn sa bilyonaryong boss nya na katabi. Alam nyang wala siyang karapatang maramdaman yon sa lalaki dahil kabahagi siya ng plano at bayad siya para dito. Nakita nyang halos hindi maipinta ang mukha ng binata sa harap ng kanyang lolo. Tumikhim lang si Marcus ng walang kakurap kurap, inayos ang sarili sa pagkakaupo. Itinaas ang ulo mula sa pagkakayuko at hinarap ang chairman. "Solenn!" Buong loob na pagtawag nya sa sekretarya. "Sir?" Tila maamong tupang pagtugon ni Solenn.Walang halos makalabas na boses mula sa kanya. "Ikansel mo lahat ng commitment ko this week," at mataman itong tinitigan ang dalaga sa harap ng matandang lalaki. "Pakakasalan kita, bukas na bukas din." "Ha?" Gulat na gulat na pagtatanong ni Solenn. Nanatili siyang nakatulala sa narinig. Tumayo ng dahan dahan ang binata , naglakad ng mabilis at hinawakan ang door knob ng conference room. "Iuuwi na rin kita sa condo!" Ani ni Marcus bago lumabas ng pinto. Ano daw? Hindi makapaniwala si Soleen sa narinig. Napahawak ang dalaga sa sariling dibdib at nag unahang umagos ang mga luha sa kanyang pisngi na kanina pa nya pilit na pinipigilan. Ano na ang gagawin nya? Gulong gulo siya napahawak sa ulo. Pano na? Pagtatanong pa nya sa sarili.
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1028.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status