Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Housemate is a Playboy Billionaire

My Housemate is a Playboy Billionaire

Jaybee
Hindi naging maganda ang una at ikalawang pagtatagpo ni Armelle at Hanz. Lalo na ng nalaman nila na pareho silang titira sa iisang bubong. Ngunit hindi akalain ni Armelle na si Hanz ang masasandalan niya sa panahong bigo siya sa pag-ibig. Dumating pa sa punto na nagpanggap ito na boyfriend niya sa harap ng ex-boyfriend niya. Naging maayos ang samahan nilang dalawa at para niyang naging kuya si Hanz. Hanggang sa nagising na lang siya isang araw ay may nararamdaman na siya para sa binata. Inilihim niya ang kanyang pag tangi para hindi magbago ang pakikitungo nito sa kanya. Isa pa, kilala itong playboy. Ayaw rin niyang mapabilang sa mga naging babae nito kahit imposibleng mangyari iyon dahil parang nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya. Ngunit hindi inaasahang panauhin ang magpapabilis sa pag-alis niya. Sinabi ng babae na malapit na itong ikasal kay Hanz. Para hindi siya makasira ng relasyon ay umalis siya ng walang paalam. Makalipas ang tatlong taon ay muling nagtagpo ang kanilang landas dahil siya ang magiging bagong sekretarya nito. Akala ni Armelle ay naibaon na niya sa limot ang nararamdaman niya para kay Hanz ngunit nakaramdam siya ng lungkot ng makita niya na kausap ng binata ang babaeng nakaharap niya tatlong taon na ang nakalipas. May pag-asa pa kaya na bumalik sa dati ang samahan nila kung sa araw-araw na pagkikita nila ay malamig na ang pakikitungo nito sa kanya? Hanggang kailan niya ililihim ang tunay na damdamin para sa binata gayong habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ito ay mas lalo lamang lumalalim ang pagmamahal niya para rito?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

Isang trahedya ang yumanig sa katahimikan ng marangyang buhay ni Ana Villa—nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan at natagpuang wasak sa kailaliman ng dagat. Ngunit ang katawan niya, hindi kailanman nakita. Ang mundo ng mga Villa ay nilukob ng lungkot at hiwaga, ngunit para kay Belle, ang kanyang kakambal, ang trahedyang ito ay hindi isang aksidente—ito’y isang maingat na planong pagpatay. Nagpasya si Belle na gawin ang hindi inaasahan: nagpanggap siya bilang si Ana para malaman ang tunay na mastermind sa pagkamatay ng kanyang kambal. Sa kanyang pagpapanggap, napasok niya ang mundo ng karangyaan at kasinungalingan, isang mundong puno ng malalalim na lihim at mapanganib na tao. Ang asawa ni Ana, si Luke Villa, ay isang bilyonaryo at CEO ng Villa Brewery Inc.—makisig, misteryoso,gwapo at tila nagtatago ng mga lihim. Sa kabila ng pagdududa ni Belle, unti-unti siyang nahulog sa bitag ng kanyang sariling damdamin. Ngunit hindi si Luke ang tunay na panganib. Si Sheila, ang tila inosenteng stepsister ni Luke, ay isang babaeng magaling magtago ng matinding inggit, lihim na pagnanasa, at nakamamatay na ambisyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Sheila ang utak sa likod ng pagkamatay ni Ana, dala ng matagal nang pagkamuhi nito kay Ana dahil inagaw nito sa kanya si Luke dahil may lihim siyang pag-ibig dito. Habang nilalaro ni Belle ang papel ng kanyang kambal. Dito, natagpuan ang takot at pag-asa na magkasama, habang unti-unting nahuhulog ang kanyang puso kay Luke. Sa gitna ng labanan ng pagmamahal, takot, at paghihiganti, sino ang talo at sino ang mananatiling buhay?At paano makakaligtas si Belle mula sa bitag ng pagmamahal nito para kay Luke?
Romance
102.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

“Oh my… ang aking Kapitan! Mabuti naman naalala mo ako! Hmp malapit ng magtampo sa’yo si Lola. Ilan taon na din ang nakalipas.” Sabi ni lola ng may pagtatampo sa kaniyang tinig. “Magagawa ba naman kitang tiisin, ikaw ata ang pinaka-mamahal kong Lola!” nakangiti kong sagot kay Lola sabay yakap sa kaniya. Habang masaya akong bumabati kay Lola ay isang pigura ng babaeng nakatalikod ang unti-unting tumayo at nakangiting humarap sa amin. Si Yvette. Hindi ko inaasahan na dadating siya ngayong araw. Nakangiti siya pero makikita sa kaniyang mata ang kakaibang lungkot, isang damdamin na kahit anong tago ang gawin ay hindi niya maitatanggi. Si Yvette ang dati kong karelasyon at muntik ko ng mahalin matapos kong aliwin ang aking sarili ng malaman kong naging boyfriend ni Karmela si Andrew. Tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Wala naman akong pakielam sa kaniya pero knowing Yvette? Paniguradong gagawa siya ng eksena at ayokong matakot si Karmela dahil sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa kaniyang boses “My Captain Xian Herrera… its nice to see you again. Ang tagal na din ng huli nating pagkikila” may panunuya siyang tumingin kay Karmela at mapait ng ngumiti sa kaniya “siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinuyo? Kaya naman pala bigla kang nawala sa picture. May bago ka na palang pinagkaka-abalahan!” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Yvette ay alam kong hindi lang iyon simpleng pagpuna. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang matinding hinanakit. Kinapitan ko ng mahigpit ang kamay ni Karmela at tinignan siya na parang sinasabing “ huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.”
Romance
1025.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Forbidden Love

The CEO's Forbidden Love

Si Dolly ay ordinaryong babae—breadwinner at pangalawa sa magkakapatid. Lumuwas siya sa Maynila para makahanap ng trabaho at tuparin ang pangarap niyang maging guro, dala ang bigat ng iniwang pamilya matapos talikuran sila ng ama dahil sa pangangaliwa. Hindi niya alam na ang simpleng buhay niya ay magtatagpo sa mundo ng kayamanan, kapangyarihan, at panganib.Si Harwinn Damonier ay mafia CEO at anak ni Ravazzo Damonier, ang founder ng Eclipsis Consortium—isang global empire na charitable sa publiko pero illegal sa likod ng mga pinto. Sa simula, wala siyang pakialam kay Dolly. Ang kanilang kasal ay kasunduan lang, pinilit ng ama ni Harwinn para mapanatili ang kapangyarihan ng pamilya at ang seguridad ng Consortium. “No distractions. Work is everything,” Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.Ngunit si Dolly, sa kanyang stubbornness at matibay na puso, unti-unting binago ang malamig na mundo ni Harwinn. Mula sa asaran, ragebaiting, at matinding pagtatalo, napagtanto niya na may nararamdaman siya—isang damdaming hindi niya dapat aminin. Lahat ay maayos hanggang sa nalaman ni Dolly ang engagement ni Harwinn kay Natavalya Solaris, anak ng powerful Solaris family at intended bride para palakasin ang Consortium. Heartbroken, tumakas siya—hindi alam na buntis na pala siya. Sa dalawang buwan ng pagtatago at lungkot, napasakamay siya ng isang grupo na may utang na loob kay Jadraque Solaris, na plano gamitin siya para pilitin si Harwinn sa kasal kay Natavalya. Ngayon, nakatayo si Harwinn sa pagitan ng puso at kapangyarihan, habang ang kanyang mahal, si Dolly, ay nasa panganib. Isang mafia empire, isang forbidden love, at isang hindi inaasahang bata—maaaring magbago ng lahat.Makakaya kaya nilang labanan ang kasalanan, kapangyarihan, at dugo ng pamilya para sa kanilang pagmamahalan? O mawawala ang lahat sa dilim ng kanilang nakaraan at ng mundo ng mafia?
Romance
10140 viewsOngoing
Read
Add to library
Nuestro Amore ( Our Love)

Nuestro Amore ( Our Love)

MsDayDreamer99
" Kapag nasa kakahuyan ka na, tumakbo ka lang. Huwag kang hihinto at higit sa lahat huwag kang lilingon." Ang nagbabadyang luha ni Estella ay tuluyan ng kumawala na sa kanyang mga mata nang bitawan ni Lucas ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya mapupunit ang kanyang puso habang naiisip niyang hindi na niya ito makikita pa kailanman. Ito na ang huli at wala siyang magagawa. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha. Kitang-kita niya ang lungkot at pait sa abuhin nitong mga mata.  " Ngunit paano ka?Natatakot ako sa gagawin nila sayo kapag nalaman nilang tinulungan mo akong makatakas. Ayokong mawala ka sakin, Lucas. Ayakong-" Hindi niya natapos ang sasabihin ng siniil siya ng binata ng matamis na halik. Ninamnam niya ang nitong labi. Tahimik niyang naipanalangin na hindi na matapos ang halik na iyon kahit na alam niyang impossible. " Mahal kita," anito at dinala kanyang mga kamay sa matipunong dibdib nito. Ramdam niya sa kaniyang palad ang ritmo ng pagtibok ng puso ng binata. "Makakalimutan ka man ng aking isip pero patuloy na titibok ang puso ko para sayo." " A-anong ibig mong sabihin?." Natigilan ang dalawa ng may marinig silang mga yabag mula sa di kalayuan. Umaalingawngaw di ang kanilang mga boses.   " Malapit na sila. Tumakbo ka na at iwan mo na ako dito. " " P-pero..." pagsusumamo ni Estella sa binata. " Lilituhin ko sila upang mabigyan ka ng oras na makatakas dito. Diretsuhin mo lang ang kakahuyan at igigiya ka nito sa pangpang kung nasaan naghihintay ang isang bangka. Gamitin mo iyon upang makatawid sa kabilang isla." Niyakap niya ang binata ng mahigpit  bago tuluyang tumakbo papunta sa madilim na kakahuyan. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagpapaninag sa kanyang dinaraanan. Hindi siya tumigil kahit na narinig niya ang napagsigaw ni Lucas sa di kalayuan. 
Mystery/Thriller
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss

THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss

Sa ikatlong taon ng kasal ni Demux at Aimee. Hindi inakala ni Aimee na doon niya malalaman ang matagal ng gustong malaman tungkol sa kanyang asawa. Sa wakas natuklasan ni Aimee kung sino ang lihim at pinakatagong mistress ni Demux. Hindi na pala kailangan lumayo ni Aimee. Dahil ang babae ng kanyang asawa ay walang iba kundi ang kanyang hipag. Si Bella pala ang babaeng matagal ng hinahanap ni Aimee na siyang nagpapahirap sa pagsasama nilang dalawa. Nang gabing pumanaw ang panganay na kapatid Aimee wala man lang makikita na awa, simpatsa, lungkot at malasakit sa mga mata ni Demux. Kahit pa kitang kita sa asawa nitong si Aimee ang labis na sakit at pangungulila dahil sa pagkawala ng kapatid nito. Mula ng araw na ‘yun prinotektahan ni Demux at Aimee ang asawa ng kanyang kapatid na si Bella sa lahat. Ngunit isang ahas pala ang inaalagaan ni Aimee ng lubos. Dahil sa nalaman ni nais ni Aimee na malaman mula sa dalawa ang totoo, kinausap niya ang mga ito. Nalaman ni Aimee na planado talaga ang lahat. Imbis na kalinawan ang makuha sa paghahanap niya ng katotohanan, sakit at kawalan ng respeto sa kanyang sarili ang kanyang nakuha. Demux proposes an urgent divorce. Dahil wala naman ng nakikitang bukas si Aimee sa lalaki agad niya itong sinang-ayunan. Walang nakuha si Aimee mula sa asawa. But Demux make sure na nakuha niya sa babae ang lahat. Ngunit sa likod ng kabiguan at betrayal na nakuha ni Aimee may isang lalaki ang nag-aabang ng tyempo para makamit na ang pangarap na kaligayahan kasama ang babae. Ang lalaki ay kilalang Big Boss sa business world. And that man named Eleazar Medrano. The man who can make the universe scream in so much fear, sa isang bitaw lang ng salita.
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status