Tears of Pain
Patuloy nitong tinatanggal ang ka-inosentehan ng sariling dugo't laman.
Mistulan itong pulubi sa panlilimos ng katiting na pagmamahal ngunit wala siyang nakukuhang barya, kahit sentimo ng pag-aalaga't pagmamalasakit ay tinapon sa basurahan, mistulan siyang pinagdadamutan. Hanggang ngayon, kahit ilang beses siyang masaktan, masira, at mawasak ay umaasa pa rin siya na balang araw, mamahalin din siya. Na may isang taong darating upang buohin ang mga piraso ng pagkatao niya'ng sinira ng isang demonyo.
Habol ang hininga niyang tinitigan sa mga mata ang sariling ama. Umaasa siyang maririnig nito ang pagsigaw at pakiusap niya kahit walang lumabas na salita sa kaniyang labi.
ตอนยอดนิยม