The Zillionaire's Abandoned Wife
Napangiti na lang ito dahil mukhang mahal naman ang mga bata ng kani-kanilang nga nanay.
“So, as I was saying, kahit ano pang mangyari, hindi mapapalitan ng kahit sinong bata o ng kahit anong halaga ang mga anak sa puso ng kanilang ina. Napapansin niyo ba, class, kahit minsan makulit tayo o may pagkukulang sa mga mommy natin, tayo pa rin ang pinakamahalaga sa kanila. Kaya kung minsan, strict ang mga mommy o pinagsasabihan tayo, tandaan niyo, galing 'yon sa pagmamahal. Their love is the only constant, unshakeable, and irreplaceable in this world.”
Dahil dito, gumaan na ang pakiramdam ni Xyza. Tumatak sa kaniya ang sinabi ng guro.