Secret of His Wife
"Ang plano ko noon, kapag nakapagtapos ka na ng kolehiyo ay liligawan na kita. Lalakasan ko ang loob ko para lang sa iyo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon kung bakit hindi ko nagawa iyan simula noon makita kita, kaya napagdesisyonan kong saka lang kita lalapitan kapag nakapagtapos ka na."
"Pero mali pala ang naging desisyon ko. Bigla ka na lang nagpakasal kay Alexander. Dahil doon, sinisi ko ang aking sarili kung bakit hindi ko ginawa kung ano ang gusto ko. Para makalimot, inabala ko na lang ang aking sarili sa mga bagay-bagay, pero wala, walang nangyari, hindi ka pa rin mawala. Kaya noong araw na mahkasama kayo si Zania, doon ako nagpasyang ituloy ang plano ko noon. Sa tulong ni Zan
ตอนยอดนิยม