PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)
Tatay Tonyo:
"Anak, Jammie, masaya ako at naging bahagi ako ng araw na ito. Kiera, simula pa lang, nakita ko kung paano mo ipinaglaban ang pagmamahal mo sa taong ito. Alam kong hindi naging madali ang lahat, pero nakita ko rin kung paano ka minahal ni Jammie ng totoo. Anak, ipinagmamalaki kita. At Jammie, salamat sa pagmamahal mo sa anak ko. Alam kong sa piling mo, ligtas siya. Mahal na mahal ko kayong dalawa."
Hindi mapigilan ni Tatay Tonyo na mapaluha, dahilan upang muling mag-init ang aking mga mata. Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit.
ตอนยอดนิยม