UNBREAK MY HEART
Pagkatapos ng tensyon sa opisina, hindi na nag-aksaya ng oras si Teddy. Ang bawat hakbang patungo sa kanyang sasakyan ay puno ng determinasyon, habang ang kanyang puso’y tumitibok nang mabilis sa pinaghalong takot at galit na hindi niya pa naranasan sa buong buhay niya. Sa bawat segundo na lumilipas, ramdam niya ang bigat ng banta na papalapit ang deadline para mailigtas si Sophia ay unti-unting nagiging imposibleng singilin ng oras. Dalawang linggo. Dalawang linggo na lang upang ayusin ang lahat: papeles, visa, court orders, flight, at seguridad. Isang deadline na sa normal na proseso ay maaaring tumagal ng buwan, ngunit ngayon ay kailangang maging posible sa loob ng ilang araw.