Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contracted Wife of the Billionaire

Contracted Wife of the Billionaire

Cassiane Dela Vega, isang 23-anyos na dalagang lumaki sa kahirapan, ay handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Nang magkasakit ng malubha ang kanyang kapatid na si Caleb, napilitan siyang tanggapin ang isang kasunduang magbabago ng kanyang buhay—isang kasal kay Kane Remy Finnegan, isang 25-anyos na CEO na kilala sa kanyang malamig at walang pusong personalidad. Para kay Kane, ang kasal ay isa lamang transaksyon para masunod ang kagustuhan ng kanyang lolo—walang emosyon, walang koneksyon. Sa simula, malamig at kontrolado si Kane habang pilit namang inaarok ni Cassiane ang bagong mundo na kanyang ginagalawan. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, unti-unting natutukso si Kane sa kabutihan at init ng puso ni Cassiane. Habang nababasag ang mga pader sa puso ni Kane, lumalalim naman ang komplikasyon ng kanilang relasyon. Sa likod ng kasunduang walang puwang ang damdamin, unti-unting namumuo ang emosyon na kanilang parehong pilit itinatanggi. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Dumating ang sandaling sinaktan ni Kane si Cassiane, dala ng paniniwalang siya lamang ang may nararamdaman. Nangyari ang isang gabi na nagbago ng lahat, kung saan ipinilit ni Kane ang kanyang damdamin at pag-angkin kay Cassiane. Kalauna’y napagtanto niyang mahal din siya ng dalaga. Sa kabila ng mga pagsubok, sakit, at lihim na kanilang hinarap, natutunan nilang yakapin ang isa’t isa at ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa huli, nanaig ang pag-ibig. Napalambot ni Cassiane ang pusong dating tila yelo. Naging masaya silang mag-asawa at nabuo ang kanilang pamilya kasama ang dalawa nilang anak—isang patunay na sa likod ng kasunduan, maaaring umusbong ang tunay na pagmamahalan.
Romance
513 viewsOngoing
Read
Add to library
Thorn Between Duty And Desire

Thorn Between Duty And Desire

Si Anathalia Eirah Dela Rosa ay ang pinakatampok na halimbawa ng isang spoiled brat—matigas ang ulo, impulsive, at sanay na laging makuha ang kanyang nais. May matalim na dila at pusong puno ng mapanghimagsik na lakas, hindi siya kailanman kailangang sumagot sa sinuman, lalo na sa isang lalaki. Ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Kaelion Isolde Vesperas, isang kalmado at mahinahon na gobernador na may pusong kasing matibay ng kanyang awtoridad. Walang pakialam si Kaelion sa mga charm ni Anathalia, at wala ni isang bagay ang nakakagulo sa kanyang mahinahong anyo—lalo na hindi isang maapoy na babae na akala niya’y kaya niyang pabagsakin. Habang sanay si Anathalia na ang mga tao ay yumuyuko sa kanyang gusto, nananatiling matatag si Kaelion, hindi tinatablan ng kanyang mga tantrum at maligalig na pagtatangkang mapansin siya. Habang ang magaspang na ugali ni Anathalia at mga pang-aakit ay hindi nakakalusot sa malamig na pagtanggap ni Kaelion, natutuklasan niyang hindi basta-basta mananalo ang kanyang puso. Kailangan niyang magbago at matutunan ang kahalagahan ng pagiging bukas, isang bagay na hindi pa niya kailanman inaalok. Sa isang mundong kung saan nagtatagpo ang pagnanasa at kapangyarihan, ang magkaibang impulsiveness ni Anathalia at ang mahinahong pagpipigil ni Kaelion ay nagbabanggaan sa isang laban ng mga kalooban. Magagawa kaya niyang iwaksi ang kanyang pagiging spoiled upang makuha ang respeto—at marahil pati ang pagmamahal—niya? O hahantong ba ang mga whim ng kanyang puso sa isang landas ng pagkabasag ng puso? @cursebyharrrt Date Started: November 28,2024 Date Finish: Status: On-going A/N: Slow Update, please bare with the writer.
Romance
661 viewsOngoing
Read
Add to library
Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire

Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire

Desperada nang iligtas ni Irina ang kanyang ina mula sa malubha nitong sakit, kaya naman nang mabigyan siya ng oportunidad na kumita ng malaking pera kapalit ng kanyang katawan ay hindi na niya iyon tinanggihan pa. Ngunit hindi niya akalain na kakambal nito ay isang panganib na tuluyang babago sa kanyang buhay—na naging dahilan upang mapilitan siyang pakasalan ang walang pusong si Alec Beaufort, ang CEO ng Beaufort Enterprises. Na kahit anong pagtakas ang kanyang gawin, nahahanap pa rin siya nito at ikinukulong sa marahas nitong mga bisig.
Romance
8.241.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8779 viewsOngoing
Read
Add to library
Wild and Innocent (Tagalog)

Wild and Innocent (Tagalog)

Nilisan ni Azalea ang kanilang probinsya dahil gusto niyang lumayo sa kanyang madrasta. Natuto siyang lumaban sa hamon ng buhay sa kanyang murang edad simula noong mamatay ang kanyang ina. Ngunit tila nagbago lahat ng kanyang plano nang biglang dumating sa kanyang buhay ang lalaking nagngangalang Izon. Izon Bricks Villamor, a twenty four year stunner and sole heir of Villamor Enterprise. He's good at everything and that includes flirting with some other random women. Paano kung isang araw bigla na lamang mabihag ni Azalea ang kanyang pusong uhaw sa atensyon? Kakayanin niya bang itaya ang lahat ng meron siya para lamang manatili sa tabi ng babaeng nakapagpa-ibig sa kanya?
Romance
9.6188.5K viewsOngoing
Read
Add to library
LOCK ME IN YOUR HEART

LOCK ME IN YOUR HEART

Isang bilyonaryo si Enrico Royo na mas piniling maglingkod sa bayan bilang isang pulis. Sa edad niyang tatlumpu't tatlo ay wala pa itong naging kasintahan. Masyado itong abala sa kanya trabaho bilang Chief of Pulis ng Maynila. Cherry Cristobal isang babaeng ulila na. Namuhay itong mag-isa at kalaunan ay nakilala niya si Caye Blake ang babaeng tutulong sa kanya na makapag-aral ulit. Magtatagpo ang landas ng dalawa noong napasama sa mga nahuli sa bar si Cherry at napagkamalan ni Chief na isa sa mga nagtatrabaho doon. Paano magtitiwala ang pusong lubos na nasaktan? May pag-asa kayang makapasok sa puso ni Cherry ang matinik na pulis?
Romance
1033.4K viewsCompleted
Read
Add to library
BAKAS NANG KAHAPON

BAKAS NANG KAHAPON

Angela De Dios. Ang babaeng sinubok at pinatatag ng panahon at karanasan. Hindi sinukuan ang lahat ng hamon at dagok na dumating sa kaniyang buhay. Norman Villanueva. A certified bachelor. Kilala at mayamang negosyante. Mas inakala ng iba na isa siyang womanizer dahil sa sobrang kasungitan at aloof sa mga babae. Paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? Magagawa kayang punan ng bawat isa ang isang bahagi ng kanilang mga pusong tila may kulang pa? Paano kung mabunyag ang isang pangyayaring gigimbal sa pagkatao ng bawat isa sa kanila? Matanggap pa kaya nila ang sukli ng tadhana? O, tuluyang kalilimutan nalang na minsan naging mapaglaro ang kapalaran?
Romance
9.923.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Dark Side Of Love

The Dark Side Of Love

Hazzel Quinn
Apollo Draco Almazan was blinded due to an accident and his girlfriend was killed. This caused him to have a bad attitude towards everyone around him not until he met Asha Dola Dominguez. Asha also has a bad memories in her past that makes Apollo comfortable around her. Nang nakakakita na ulit si Apollo ay nabighani siya sa kagandahan ng dalaga, ngunit pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ang namatay na kasintahan kaya pinilit niyang mawala ang nararamdaman niya para sa dalaga. Pero patuloy niya pa rin kaya itong mamahalin kapag nalaman niya ang tinatagong lihim ng inakala niyang patay na? O hahayaan niya ang pusong mahalin si Asha at parusahan ang taong nais pumatay sa kanya.
Romance
3.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Ang book na ito ay naglalaman ng mga kwentong hindi angkop sa mga batang mambabasa. Ito ay kwento ng magkapatid, magkaibigan at magpinsan. Sina Devine Joy at Devine Marie ay ang kambal na lumaki sa isang kumbento. Makilala ang mga lalaking mayaman ngunit babaero. Si Jhaina na pinsan nila Mark At Yosef ay may pusong lalaki ngunit mapipikot ni Zoe na isang maginoo ngunit medyo bastos. At si Khalid na isang manyak na kaibigan ni Mark ay iibig sa isang babaeng nagpapanggap na lalaki. Isang mainit na romance ang inyong matunghayan sa bawat kwento ng ating mga bida. Tunghayan kung paano mapaamo at matutong magmahal ang taong nerd, takot sa obligasyon, mapagpanggap, tigasin at mga babaero.
Romance
1085.6K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE BEYOND TRADE

LOVE BEYOND TRADE

Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan. At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro. Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro? Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?
Romance
9.96.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
34567
...
15
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status