TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!
Sa madaling salita, si Agatha na uminom ng isang tasa ng kape sa umaga at nagsabing hindi siya gutom, bumuli ng isang tasa ng juice sa palengke sa tanghali at patuloy na nagsabing hinsi siya gutom ay kumain ng isang malaking steak, kalahating pizza at iba pang kung ano-anong kutkutin sa gabi.
8:00 p.m na nang makauwi si Agatha. Naligo siya, humiga at agad na nakatulog na walang pakialam kung may tao man sa kwarto kasama niya nung gabing iyon, dahil wala na siyang lakas para mag-isip pa.
Nang gabing iyon, narinig niya ulit ang malamlam na tunog ng mga dahon na lumalagitik sa hangin at ang banayad na bango ng gardenia, at natulog nang mahimbing buong magdamag.