CHAINED (Tagalog)
"Ang alam ko lang po, iyong nanay niya ang taga-rito. Nanggaling sa mayamang angkan saka paroon at parito na sa America. Nakakilala ng isang environmentalist at nagpasyaang doon na manirahan sa ibang bansa. May pinagkakatiwalaan silang namamalakad ng kanilang mga property rito noong hindi pa bumanalik si Sir.
"Ano ang apelyido ng nanay ni Rafael?" tanong ko ulit.
"Natividad. Adelaida Natividad. Ang buong pangalan naman niya'y Lance Rafael Natividad Dela Vega."
Tila bombang sumabog iyon sa aking harapan. Nahawakan ko ang dibdib dahil sa kaba.
Malamang, siya ang pinsan ni Lance. Sana'y hindi niya mabanggit ang aking pangalan sa kanyang pinsan.
인기 회차