Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I'm a slave for you

I'm a slave for you

Maagang naulila si Celina Manuel dahil sa isang aksidente. Dahil sa walang kamag anak lumitaw para kupkupin siya ay napilitan siyang buhayin ang sarili ng mag isa, hanggang sa swerteng nahanap siya ng kanyang ninang at ampunin. Ngayon sa bagong mundong ginagalawan ay pipilitin niyang harapin ang panibagong hamon ng buhay. Si Vincent Truins ang kaisa isang anak at tagapagmana sa kanilang pamilya, nabuhay sa luho at karangyaan. Dulot ng isang madilim na nakaraan ay hindi niya magawang magtiwala sa mga taong nasa paligid niya. Naniniwala rin siyang pwede niyang gawin ang kahit anong gusto niya dahil sa kanilang estado sa buhay. Anong mangyayari kung magkrus ang landas ni Celina na nais tuparin ang kanyang mga pangarap sa ikalawang pagkakataon at ni Vincent na walang ibang nais kung hindi ang magpakaligaya.
1013.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 525 Beses bilang thank you for the reply email
Read
+Library
Hate You, Love You

Hate You, Love You

Black_Angel20
Umaasa si Pauleen na kahit isang beses lang. Makakasalamuha siya ng isang kalahi ni Adan after being tore down by her bastard college boyfriend na ipinalit siya sa babaeng Donsol sa Architectural Department. Humahanga na siya sa mga Blue Warrior pero mas lalong nadagdagan ang paghanga niya sa FVC members. Kaya nang makilala niya si Beverly Hernandez-ang babaeng nagdala sa kanya sa naturang lugar. Tuluyang nakamit ang isang pangarap niya sa buhay. Doon niya nakilala ang antipatiko at hambog na si Bruce Bergman. Naglaho ang fascination niya dito lalo na ng palagi siya nitong binabara dahilan kung bakit tumubo ang iritasyon niya sa binatilyo. Ano kaya ang mangyayari kapag itong dalawa ang palaging nasasangkot sa walang humpay na bangayan?
2.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 56 Beses bilang thank you for the reply email
Read
+Library
Will Never Feel Longing For You

Will Never Feel Longing For You

Naiinis si Shaun Dale kay Dahlia. Hayagan kasi ang pagkagusto nito sa kanya at kulang na lang ay haranahin siya. Para kay Dahlia ay hindi niya dapat ikahiya ang kung anumang nararamdaman niya para kay Shaun Dale. She’s in love kaya ano’ng magagawa niya kundi iparamdam at ipakita iyon. Kahit na palagi siya nitong sungitan hindi niya talaga mapigilan ang nararamdaman. Mas mabuti ng masabi kaysa manahimik siya sa isang tabi. Mas lalong nadagdagan ang inis ni Shaun Dale nang itakda silang dalawa para magpakasal. Tuwang-tuwa naman si Dahlia. At dahil pursigido si Dahlia sa ‘panliligaw’ ay hindi na rin napigilan ni Shaun ang tablan sa taglay nitong kapilyahan. Kung kailan naman tila nahulog na siya, saka siya tinakbuhan ni Dahlia sa araw ng kasal nila at hindi na nagpakita pa. After a couple of years muli silang nagtagpo. Is he still longing for her? Iyon ang tanong niya sa sarili. Hindi dapat. Dahil kung totoo ang ipinaramdam nitong pagmamahal bakit siya nito tinakbuhan sa kasal?
105.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 146 Beses bilang thank you for the reply email
Read
+Library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
102.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 46 Beses bilang thank you for the reply email
Read
+Library
Maid for You (Hiding Series #2)

Maid for You (Hiding Series #2)

Hirap sa buhay si Yngrid Dela Fuente naiwang mag-isa at siya na lamang ang bumubuhay sa sarili niya. Ganunpaman, nagsumikap siyang maghanap ng trabaho at hindi niya aakalaing matatagpuan niya ang sarili niyang maging personal maid ng isang kinatatakutang tao ng lahat, si Devron Montecillo, isang Mafia Boss. Ngayong isa siya naging personal maid ng taong ito, ano ang mangyayari sa buhay ni Yngrid? Magiging tahimik ba ito o magiging magulo dahil sa taong kasama niya?
106.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 156 Beses bilang thank you for the reply email
Read
+Library
INTO YOU

INTO YOU

If love hits you in an unexpected way, what will you do?Pagkatapos ni Jake Morris sa kolehiyo, inatasan siyang maging 'Janitor' sa Hotel na pagmamay-ari ng pamilya nila. Kondisyon iyon ng Ama niya bago ibigay sa kaniya ang pamamahala sa negosyo ng kanilang pamilya.Pero na-bothered siya sa roommate slash katrabaho niya na si Rico. Ewan ba niya sa tuwing napapahamak ito, hindi niya maiwasan ipagtanggol ito at mag aalala rito. Fuck! Nagkakagusto na ba siya kay Rico? Hindi niya kasi maalis ang tingin rito, malaki kasi ang pagkakahawig ni Rico sa babaeng naka-one night stand niya five years ago.
10649 viewsOngoingIdinagdag sa Library 25 Beses bilang thank you for the reply email
Read
+Library
UNEXPECTEDLY "YOU"

UNEXPECTEDLY "YOU"

Nabuntis ng hindi kilalang lalaki si Bryanne at dahil sa takot sa kanyang pamilya ay nagpasya siyang magpakalayo-layo. Apat na taon ang matuling lumipas, nakilala niya ang bagong CEO ng kompanyang kanyang pinagta-trabahu-an, si Roman Contreras. G'wapo sana pero antipatiko kaya hindi sila magkasundo ng lalaki hanggang sa isang araw ay bigla siya nitong alukin ng kasal. A contract marriage to be exact. Roman wants to get rid of his ex-girlfriend and Bry needs a huge amount of money para sa operasyon ng kanyang anak. Saan sila dadalhin ng relasyong nagsimula lamang sa matinding pangangailangan?
915 viewsOngoingIdinagdag sa Library 27 Beses bilang thank you for the reply email
Read
+Library
Owned You

Owned You

Hindi inakala ni Sapphira na mag-mamahal ito ng lalaking higit pa sa buhay niya, mamahalin ba siya nito ng lubos o paglalaruan lamang ang marupok na puso nito.
1046.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.6K Beses bilang thank you for the reply email
Read
+Library
Still You

Still You

Hindi inasahan ni Laura na may epekto pa rin sa kanya si Lance makalipas ng mahigit isang taon na hindi nila pagkikita. Napagtanto niya iyon nang muli silang magkita sa wedding rehearsal ng mga kaibigan nila at nang masundan pa ang mga pagkikita nila. Hindi man naging opisyal ang relasyon nila, si Lance ang unang lalaking totoong minahal niya pero bigla na lamang na naputol ang komunikasyon nila. Nalaman na lamang ni Laura na inagaw nito ang girlfriend ng best friend nito. Sinubukan ni Laura na iwasan si Lance dahil siguradong magugulo lang nito ang maayos niyang buhay kapag muli silang nagkalapit. Pero hindi siya nagtagumpay dahil tila sinasadya ng pagkakataon na magkasama sila. Eventually, Lance asked her for a second chance. Pumayag naman si Laura. Ang akala niya ay wala na silang magiging problema, pero natuklasan niya ang malaking kasalanan na nagawa sa kanya ni Lance.
106.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 183 Beses bilang thank you for the reply email
Read
+Library
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
1021.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 696 Beses bilang thank you for the reply email
Read
+Library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status