The Auction Of Sin
“But I don’t trust the walls of this house… or the people who might come near you.”
Tiningnan niya ito, pero wala siyang nabasa sa mukha ng lalaki — ni galit, ni pag-aalala, ni awa. Tila isang maskara ng kontrol ang nakatakip sa tunay nitong damdamin.
Pagpasok nila sa loob ng Casa Kamiyana, bumungad kay Mirae ang halimuyak ng lumang kahoy at pulang rosas. Ang sahig ay gawa sa makintab na narra, at sa kisame ay nakasabit ang isang chandelier na gawa sa murano glass — bawat kristal ay kumikislap sa sinag ng araw.
ตอนยอดนิยม