Owned by My Cold CEO
“Alam mong bihira ka lang maging ganito ka—open. Kaya sasabihin ko sa’yo ito: kung totoo ’yang nararamdaman mo, wag mong hayaan na takutin ka ng ‘what if.’ Kung naghintay ka ng three years, at hanggang ngayon siya pa rin, e ‘di ibig sabihin may lalim na. Hindi curiosity lang ‘yan. Hindi crush lang. Totoo na ’to.”
Hindi ako agad nakasagot.
Tumingin ako sa bintana. Dito kita mo ang buong syudad—mga ilaw, sasakyan, mga taong abala sa sariling buhay at ibang building na patay na ang ilaw. Pero kahit gano’n ka-busy ang mundo, isa lang ang iniisip ko.
Sapat na ba ’yung sinabi ko… para maintindihan niya? O dapat na ba talaga akong kumilos?
Bab Populer