Age Is Just A Number (FILIPINO)
At ako mismo, inaamin kong hindi ko na kayang ibigay o isugal pa ang lahat para sa kanya.
Wala kami sa isang pelikula, teleserye o maging sa isang fictional na kwento, para magkaroon kami ng masayang wakas katulad ng hinahangad ng lahat.
Masakit para sa akin at hindi madali na sabihin ang mga masasakit na salitang iyon. Lalong lalo na ang tuluyang bitiwan si Cara. Pero anong magagawa ko? Di hamak na isa lamang akong alikabok at kalaban ko ang buong mundo, na anumang oras ay pwede akong tirisin nito. Na kahit pagmamahalan namin ni Cara ay walang magagawa para rito.