When Love Takes Over
Gusto kasi ng ina niyang makita siyang ikinakasal at naglalakad papuntang altar.
“Pero, anak, hindi ka man lang ba nangangarap na ikasal? Halos lahat ng babae ay iyon ang hiling,” anitong iginiit na naman ang gusto.
She sighed. Sunod-sunod siyang napailing. As expected, here they go again. “Inay, ayoko pong matulad sa kaibigan kong si Cel. Ayoko pong gawin lang akong punching bag ng isang lalaki. Ayoko pong matulad kay Tiya Inez na namatay nang dahil sa konsomisyon kay Tiyong. Ayoko pong iwanan ako sa bandang huli at ipagpalit sa ibang babae gaya ng ginawa ni Tatay,” litanya niyang may namuong luha sa mga mata pagkaalala sa kanyang amang basta-basta na lamang sila iniwan noon dahil sa babaen
Hot Chapters