KUNG AKO AY IIBIGIN MO
Hindi tuloy siya dinalaw kaagad ng antok.
Alas sais ng gabi pa ang usapan nila ni Helena, pero makakain ng tanghalian, gumayak na si Markus para mag-byahe patungong Alabang mula sa kanila sa Novaliches. Hindi naman kailangang mag-grab siya mula sa kanila. Sa bus lamang siya sasakay at pagdating sa Alabang, saka na lang siya magta-taxi papunta sa village nina Helena, pero bago iyon, dadaan pa muna talaga siya ng mall para bumili ng maganda-gandang polo shirt na kahit paano ay pagmumukhain siyang malinis at presentable sa harapan ni Helena.
Bab Populer