Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Triplets and a Second Chance

Triplets and a Second Chance

Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
Romance
9.359.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
NINONG JONAS (SPG)

NINONG JONAS (SPG)

Kasabay ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama sa hindi malamang dahilan ay niloko din si Cassandra ng boyfriend niya at ipinagpalit sa kanyang matalik na kaibigan na si Serafina ngunit hindi pa doon nagtatapos ang dagok sa buhay niya. Sa burol ng kanyang ama ay nakilala niya ang mafia boss na si Giovanni Zobel na siyang pinagkakautangan ng kanyang ama ng isang bilyong piso, binigyan siya nito ng palugit na isang buwan at pag hindi siya nakabayad ay papatayin siya nito. Dahil sa pagbabantang iyon ni Giovanni ay pinalayas kaagad si Cassandra ng kanyang tiyahin sapagkat ayaw nitong masangkot sa gulo at utang ng kanyang ama. Kinamkam din nito ang natitirang kayamanan ng kanyang ama. Sa paglalakad ni Cassandra sa malakas na ulan at malamig na simoy ng hangin na tanging maleta lang ang bitbit ay muling nag krus ang landas nila ng ninong niyang si Jonas Del Riego na siyang may-ari ng Del Riego Group of Companies. Ipinaliwanag nito na malaki ang utang na loob nito sa ama niya kung kaya’t gusto niyang suklian ang lahat ng ginawa nito sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanya. Kaagad niyang tinanggap ang offer nito na maging secretary at personal assistant ngunit hindi lingid sa kaalaman ni Cassandra ang tinatagong pagtingin ni Jonas sa kanya. Sa pagtatrabaho niya doon ay nalaman pa ni Jonas ang sitwasyon niya at inofferan siya nito na babayaran ang pagkakautang ng kanyang ama at bibigyan siya ng proteksyon kung magpapakasal siya rito. Magawa niya kayang tanggapin ang inaalok nitong kasal para sa pera, proteksyon at pagmamahal?
Romance
10105.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
12
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status