Fated to Love You
"Hayaan mo sila. At least ngayon, feel ko ang ganda ganda ko at hindi ako pinapalowbat ng kahit sino!"
"Yesss! That's the spirit! Girl power!" sigaw ni Bunny sabay clap.
Tumayo sila at pumunta sa dance floor. Todo galaw sila! Sumabay sila sa beat ng music. Walang pakialam sa mundo. Sumayaw sila na parang walang bukas. Pawisan man, pero sobrang saya. Lahat ng worries, galit, at iyak kanina, napalitan ng ngiti at tawanan.