I Am the Lawyer's Contracted Wife
“Wala iyan sa tagal o ikli ng pagsasama niyo. Kung talagang kagusto-gusto sa paningin mo ang isang tao, mawawala ang sense of time dyan. Hindi mo namamalayan na kahit maikli pa lang ang panahon na magkasama kayo, nahuhulog ka na pala dahil sa dami ng kabutihang nagawa niya para sa iyo.”
Napangiti ako. “Hindi kwestiyonable ang oras?”
Umiling si mama. “Kahit kailan ay hindi naging hadlang ang oras para sa pagmamahalan ng dalawang tao. Oo, magiging kontrabida man ito sa kalagitnaan ng relasyon niyo dahil ito ang susubok ng tatag niyong dalawa, pero lumilipas din naman, hindi ba? Sa huli, patuloy pa ring tatakbo ang oras at ang dapat mo na lang gawin ay hayaan ito at manatili sa kasalukuyan
. Ti
Bab Populer