CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)
******
“We might start with a contract and on the wrong foot, but I want to make up for it. Let’s be friends, at least.”
Kitang-kita ni Karen ang sinseridad sa mga mata ni Alex. Ilang saglit siyang napaisip sa sinabi nito. May punto naman ang lalaki, kung gusto niyang maging maayos ang pagsasama nila sa durasyon ng kanilang kontrata, kailangan niyang kilalaning maigi at kahit maging kaibigan man lang ang lalaki. Isa pa, he already do his part of the deal. Nang maalala ang problemang naiwan niya kay Alex kanina ay muli niya itong hinarap.