Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Unchosen : EL, LEGAL WIFE

Unchosen : EL, LEGAL WIFE

Sa loob ng tatlong taon, pinanghawakan ni Elara ang pangakong minsang ibinigay ng kanyang asawa—na balang araw, mamahalin din siya nito. Ngunit sa kabila ng pagiging legal na asawa, nanatili siyang pangalawang pagpipilian sa puso ng lalaking pinakamamahal niya. Nang bumalik ang babaeng tunay na minahal ng kanyang asawa, tuluyan nang gumuho ang mundo ni Elara. Sa isang iglap, ang tahanang itinuring niyang kanya ay naging kulungan ng sakit, at ang lalaking tinawag niyang asawa ay handang isuko ang lahat para sa ibang babae. Pagod nang ipaglaban ang pusong ayaw namang piliin siya, nagpasya si Elara na lumayo at simulan ang bagong buhay. Ngunit nang mawala siya, saka lamang napagtanto ng kanyang asawa ang pinakamalaking pagkakamali ng kanyang buhay. Sa pagkakataong ito, kapag lumuhod siya at magmakaawang bumalik ang babaeng minsan niyang binalewala... May natitira pa kayang pag-ibig sa puso ng legal wife na hindi kailanman pinili? Sa mundong puno ng kasinungalingan, pagtataksil, at pagsisisi, may pag-asa pa bang maging siya ang unang pipiliin?
136 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as iglap
Read
+Library
I was His Wife by Lies, Now Claimed by His Billionaire Uncle

I was His Wife by Lies, Now Claimed by His Billionaire Uncle

Hindi siya ang tunay na nobya. Sa araw ng kasal, napilitan si Naveda na isuot ang damit ng kapatid niya, akuin ang pangalang hindi kanya, at pakasalan ang lalaking hindi naman siya ang pinili. Isang kasinungalingang ginawa para iligtas ang pamilya, ngunit nauwi sa limang taong pagkakulong sa isang malamig at walang pagmamahal na pagsasama. Para kay Brandon Delgado, isa lamang siyang obligasyon. Isang kontrata. Walang higit, walang kulang. Ngunit gumuho ang lahat nang bumalik ang tunay na Amanda… at inilantad ang katotohanang matagal niyang kinimkim. Sa isang iglap, nawala ang lahat kay Naveda—ang pangalan, ang tahanan, ang pamilyang kanyang ipinaglaban. At sa mundong puno ng kapangyarihan at panlilinlang, siya ang naging kontrabida. Ngunit sa gitna ng kanyang pagbagsak, may isang lalaking handang baguhin ang lahat. Si Giovanni Delgado—mapanganib, makapangyarihan, at walang pakialam sa batas ng mundo—ang nag-abot sa kanya ng pagkakataong bumangon… at maghiganti. At sa sandaling itinapon siya ng lahat— “If they were foolish enough to throw you away, then let me be the man they’ll regret underestimating. Marry me.”
194 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as iglap
Read
+Library
PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA

PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA

“Pakiusap, huwag mo akong iiwan, Calliope, hindi ko yata kayang mawala ka sa buhay ko. Bigyan mo pa ako ng pangalawang pagkakataon na baguhin ang lahat,” nagsusumamo na ani ni Kael sa asawa. ********** Paano kung isang kang martyr na asawa at bulag pagdating sa pagmamahal sa asawa, ngunit bigla itong nagbago, isang iglap lang? Paano kung bigla na lang nagbago ang lahat dahil sa anak mong nag-aagaw-buhay at ang tanging nais mo lang ay makasurvive ito sa operasyon na alam mong 50/50 ang tsansa. Sa ilang taong pagiging martyr na asawa ni Calliope, tila ngayon lang siya natauhan. Tila lahat ng masasakit na nakaraan ay nag-flashback sa utak niya habang nakatitig sa anak niyang si Elara na nakaratay sa hospital bed. At ang tanging nararamdaman niya lang ay ang galit sa puso niya para sa asawa niyang si Orion Kael Almazan, The Cold-hearted Zillionaire. At wala siyang ibang nais kundi ang maghiganti sa asawa niyang walang alam kundi ang mambabae.
10430 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as iglap
Read
+Library
Sold to the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 1)

Sold to the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 1)

Taong 1999 sa Quezon City. Dahil sa kahirapan at lumalalang kondisyon ng kanyang lola, desperadong naghahanap ng paraan si Carlota Divina Hidalgo upang makahanap ng malaking halaga ng pera para sa pagpapagamot nito. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Nimuel, nalaman niya ang tungkol sa isang lihim na online network na naghahanap ng mga kabataang babae kapalit ng malaking bayad. Bagama't nag-aalinlangan at natatakot, napilitan siyang sumama dahil wala na siyang ibang mapagpilian. Ngunit hindi niya inaasahan na ang mundong kanyang papasukin ay konektado sa isang makapangyarihang mafia organization na pinamumunuan ni Crisanto Olivio Justo. Sa isang iglap, nagbago ang kanyang buhay nang siya ay mapabilang sa isang kasunduang hindi niya kailanman ginustong pasukin. Habang unti-unting nahuhulog ang loob niya sa lalaking kinatatakutan ng lahat, mas lalo namang lumalalim ang mga lihim, panganib, at pagtataksil sa kanilang paligid. Sa gitna ng pagmamahalan at kaguluhan, kakayanin kaya ni Carlota na iligtas ang sarili at ang kanyang lola, o tuluyan siyang magiging pag-aari ng mafia lord na nagbago ng kanyang kapalaran?
163 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as iglap
Read
+Library
The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

Sa isang iglap, nagising si Kyline sa bangungot na hindi kanya, isang silid na madilim, isang lalaking hindi niya kilala, at isang pagkakakilanlang hindi kanya ang isinuksok sa kanyang pagkatao. Sa harap ng malamig at mapanganib na presensiya ni Shawn Constantino, pinilit niyang tanggapin ang kasinungalingang siya si Karen, ang kanyang kambal na kapatid na biglang naglaho. Ngunit higit pa sa takot at poot ang bumabalot kay Kyline. Sa bawat salita ng kanyang ama, unti-unting nalalantad ang masakit na katotohanan na ginamit siya bilang kapalit sa isang kasunduang nakataya ang kapalaran ng buong pamilya nila. Sa ilalim ng mga lihim at panlilinlang, napilitan siyang gampanan ang papel ng isang asawa sa lalaking galit na galit sa kanya, isang lalaking hindi kailanman magtitiwala. Hanggang kailan niya kayang itago ang tunay niyang pagkatao? At kapag natuklasan ni Shawn ang katotohanan, magiging kapatawaran ba o kapahamakan ang kahihinatnan ng kanyang puso? Isang kwento ng pag-ibig, pagtaksil, at kapalarang pilit ipinaglalaban sa gitna ng dilim.
1014.3K viewsCompletedAdded to Library 299 Times as iglap
Read
+Library
Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon

Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon

Magpapakasal na sana si Azariah sa kanyang long-time boyfriend at childhood sweetheart na si Lucas. Ngunit sa araw ng kanilang kasal, hindi ito sumipot. Sa halip, natuklasan niyang pinili nitong pakasalan ang sarili niyang stepsister. Lubos na kahihiyan at sakit ang naranasan ni Azariah lalo pa’t mismong ama at stepmother niya ang unang nangutya sa kanya. Sa gitna ng matinding kahihiyan, tumakbo siya palabas ng simbahan… at sa isang iglap, hinila niya ang isang lalaking hindi niya kilala at dinala sa altar. Wala na siyang pakialam kung sino ito ang mahalaga ay mailigtas niya ang sarili sa kahihiyan. Ngunit ang akala niyang isang padalos-dalos na desisyon ay magiging simula ng mas komplikadong kapalaran. Matapos ang kasal, natuklasan ni Azariah na ang lalaking bigla niyang pinakasalan ay hindi basta-basta siya si Theron Ashford, ang malamig, walang awang bilyonaryong tycoon at may-ari ng Ashford Corporation. At ngayon, nakatali siya sa isang lalaking walang paniniwala sa pag-ibig… at walang awa sa sinuman.
10318 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as iglap
Read
+Library
BIHAG NG NAGBABAGANG APOY (SSPG)

BIHAG NG NAGBABAGANG APOY (SSPG)

WARNING: R-🔞 Adult content, intense sexual scenes. “Huwag mo akong subukan pagselosin, Hannah. I will fvck you against this desk and make everyone listen to your fvcking screams.” — Zach Martinez Sa loob ng mahigit isang taon, naging lihim na bed partner ng kanyang boss si Hannah. Akala niya, sapat na ang pagiging lihim na babae sa buhay nito. Hanggang sa araw na ipinakilala nito sa publiko ang babaeng pakakasalan. Sa isang iglap, gumuho ang mundong matagal niyang binuo sa puso. Pero imposibleng pagtuunan siya ng pansin nito. Alam niya ang dahilan kung bakit inalok siya maging bed partner ng boss, dahil hindi pa handa ang girlfriend nitong ibigay ang sarili. Kaya si Hannah ang ginawang parausan. Determinado siyang lumayo at magsimula muli, ngunit hindi gano'n kadaling takasan ang lalaking minsang naging sentro ng kanyang buhay. Dahil nang subukan niyang kumawala, lalo siyang hinigpitan ng hawak nito. Papayag ba siyang magiging parausan lamang nito? Paano kung gumawa siya ng desisyong alam niyang pagsisihan niya sa huli?
101.1K viewsOngoingAdded to Library 25 Times as iglap
Read
+Library
CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

Itchay
Kilalang chef sa buong bansa si Alexander Jones. Bukod sa gwapo na ay mayaman pa. Nasa kanya na ang lahat ng katangian na pinapangarap ng isang babae. Kaya naman nasanay siyang sa isang iglap lang ay nakukuha niya ang gusto niya, mapalarangan man ito ng negosyo, hobby, o di kaya ay babae. Laking dagok sa kanyang ego ng may isang babae ang tumanggi sa kanya. Si Karen Delgado, ang babaeng bukod tanging hindi nahulog sa karisma ng isang Alexander Jones. Pero ng dahil sa problemang pinansyal ay napilitan siyang tanggapin ang pinaka-ridiculous na offer na natanggap niya mula kay Alex. Isang contractual marriage. Magiging maayos kaya ang pagsasama ng dalawang nilalang na nag-umpisa sa maling sitwasyon? May tsansa kaya na ma-uwi sa pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa awayan? Paano kapag nalaman nila, na ang ugnayan pala nila sa isa't-isa ay hindi lang nagsimula sa isang kontrata?
105.4K viewsOngoingAdded to Library 108 Times as iglap
Read
+Library
AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS

AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS

"LEO, MAGDIVORCE na tayo…” *** Ang pakikipagdivorce sa asawa ni Hyacinth Dominguez ay isang napakahirap na desisyon. Pero paulit ulit na lang siyang nasasaktan. Marami na siyang tiniis at isinakripisyo para kay Leo Cantavieja na siyang mahal na mahal niya. Kailanman ay hindi nasuklian ang pagmamahal niyang iyon. Dahil isa lang naman siyang pamalit sa kapatid niya. Hindi naman talaga dapat si Hyacinth ang pakakasalan ni Leo, pero ganoon ang nangyari sa huli dahil naglaho ang kapatid niya bigla. Akala ni Hyacinth, magiging masaya siya at mapapasaya niya rin si Leo. Pero mali siya… dahil isang substitute, plain at naturingang ‘ugly duckling’ lang siya sa paningin ni Leo. Hinding hindi niya matatapatan ang kapatid niya sa puso nito. Pero paano kung isang iglap, binura ni Hyacinth ang imahe niya bilang ugly duckling sa mga mata ng tao at ni Leo? Paano kung magbago ang ikot ng mundo bigla at si Leo naman ang naghabol bigla sa kaniya?
107.8K viewsOngoingAdded to Library 311 Times as iglap
Read
+Library
Broken Promise

Broken Promise

Sa araw na dapat ay puno ng saya at pagdiriwang, nadurog ang puso ni Jullie Monteverde nang mahuli niya ang kanyang unang pag-ibig na si Didrey James Alcantara na may kahalikang ibang babae. Mula sa pitong taong relasyon na akala niya’y matibay at totoo, isang iglap lang ang ginugol upang gumuho ang lahat. Tinakbuhan ni Jullie ang lalaking minsang naging mundo niya, dala ang sakit, galit, at pangakong hindi na muling babalik. Ngunit ang nakaraan ay hindi basta-basta nagpapakawala. Sa muling pagtatagpo nila, haharap si Jullie sa lalaking handang gawin ang lahat upang makabawi—kahit huli na. Sa pagitan ng pagmamahal na minsang naging totoo, ng sugat na hindi pa tuluyang naghihilom, at ng bagong lalaking darating upang iparamdam sa kanya ang pag-ibig na karapat-dapat, kailangang pumili ni Jullie: Magpapatawad ba siya… o pipiliin niyang magmahal ng mas tama sa pagkakataong ito? Isang kuwento ng pagtataksil, pagbangon, at ikalawang pagkakataon sa pag-ibig.
10571 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as iglap
Read
+Library
PREV
1
...
45678
...
13
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status