Mafia King's Innocent Bride (Tagalog)
“Namatay ang papa ko noong sampung taong gulang pa lamang ako. Dahil doon, nagpakasal ang mama ko sa isang clerk. Ayos naman kami noong una, buong akala ko nga ay magkakaroon na ulit ako ng ama, pero iyon pala ay matagal na akong pinagnanasaan ng stepfather ko. Pinagtangkaan niya akong gahasain isang gabi nang umalis ang mama ko. Mabuti na lamang at isa akong blackbelter sa taekwondo.”
Kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nagkukwento. “Sinubukan ko iyong sabihin kay mama, pero hindi siya naniwala sa akin. Inisip niya pang baka gumagawa lamang ako ng kuwento. Dahil doon ay napagpasyahan ko na lamang na maglayas at maghanap ng trabaho sa napakamurang edad.”
“Kawawang Venom,” bulong ko.
ตอนยอดนิยม