Contract With The Devil
Pinindot ko ang answer button at ini-loudspeaker ang tawag.
"Tala? Thank God, sumagot ka rin," mabilis na boses ni Mark ang bumungad. Hingal na hingal siya, parang tumakbo o naglalakad nang mabilis. "Nasaan ka ba? Pumunta ako sa condo mo, ayaw akong papasukin ng mga guards. Ano ba itong kumakalat na balita na engaged ka kay De Silva? Nagpapatawa ka ba?"
"Hindi ako nagpapatawa, Mark," kalmado kong sagot, pilit na pinapanatili ang lamig sa boses ko. "Engaged na kami ni Rocco. Nakita mo naman ang singsing kagabi, 'di ba?"
ตอนยอดนิยม